Karpintero ka lang

Karpintero ka lang

Naranasan mo na bang mahusgahan ng iba dahil nagmula ka sa mahirap na pamilya? Nakadinig ka na ba ng puna o comment na “magsasaka ka lang o OFW ka lang o labandera ka lang? O kaya me nagsabi sayo na “ah taga Pilipinas yan kaya ganyan”. 

Di ba masakit makarinig ng panlalait o panghuhusga lalo na kung kamag-anak o kababaryo magsasalita. Si Hesus, ang ating Panginoon eh dumaan sa ganitong panlalait mula mismo sa kanyang sariling lugar. Hindi matanggap ng mga kababaryo nya na matalino sya at mahusay magsalita. Hindi akalain ng mga kapitbahay nya na nakakagawa sya ng himala. Kung titingnan natin sa totoong buhay eh parang me inggit ang iba sa kanya. Hindi sya matanggap. Sa panahon natin meron na sigurong naglagay ng tarpaulin na “Welcome Jesus” at tiyak may mang bully at manira din kay Hesus. 

Pero alam mo sa kabila ng na experience ni Hesus, tuloy lang sya sa misyon nya. Sa kabila ng pag dismaya nya sa di pagtanggap sa kanya ng mga kababayan nya eh nagpatuloy lang sya sa tagasunod sa kalooban ng Diyos. 

Sa ating buhay minsan makakatanggap tayo ng masasakit na salita o paninira mismo mula sa ating kamag-anak o kapitbahay. Minsan nga sa kabila ng magandang nagawa natin sa kanila wala man lang tayong “Salamat” na maririnig. Pero ok lang yon. Ang mahalaga ay katapatan natin sa Diyos. Katulad ni Hesus,  lagi nating hangarin ang mabuti para sa ating kapwa kahit na yung mga ayaw tumanggap sa atin. Ang tumulong tayo mula sa puso kahit na wala tayong matanggap na kapalit o thank you. Ialay natin lahat sa Diyos. 

Pasalamatan natin lagi ang Diyos. Ang mahalaga ay matanggap natin sa ating buhay at puso ang Panginoon.  Si Poong Nazareno ay laging andyan para tayo ay tulungan at pagalingin.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________