Ang aking Katawan, Ang aking Dugo

Ang aking Katawan, Ang aking Dugo

Tayong mga Filipino ay mahilig sa handaan at fiesta. Mabongga tayo at ila-labas natin ang mga kubyertos at magagarang gamit para sa handaan. Magluluto tayo ng masasarap na pagkain at may dessert pa na masarap. At sa huli may pa Sharon o pabalot pa. Kasi gusto natin mag enjoy ang nga bisita. Ganyan tayo. 

Pero si Hesus ibang klaseng maghanda. Dahil ang hain ng Panginoon ay pagkaing hindi napapanis o nasisira. Ang handa ni Hesus ay ang kanyang sariling “Katawan at Dugo” para sa lahat. Pagkaing hain mula sa puso. Pagkaing luto sa Pagmamahal. Dahil ayaw ni Hesus na tayo ay magutom o mauhaw pa. Kundi tayo magkaroon ng buhay na walang hanggang. 

At sa Misa, sa altar at Hapag ng ating Panginoon, tayong lahat ay imbitado na makibahagi at makikain. At yes, pwedeng magbalot at mag-uwi dahil sa bawat Misa at Komunyon ay dala at nakabalot na si Hesus sa ating puso. Dala natin si Hesus, ang kanyang Katawan at Dugo. Sumasaatin ang Diyos sa bawat pagtanggap natin sa kanyang Katawan at Dugo. 

Kung sa handaan at fiesta eh lagi tayong kumakain at nagbabalot pa. Sa bawat Misa tara at kumain tayo ng Katawan ni Hesus at uminom ng kanyang Dugo. At magbalot tayo at magpasalubong sa ating pamilya ay kapwa ng ating tinanggap. Dahil ang Katawan at Dugo ni Hesus ay pagkaing nagbibigay buhay para sa lahat. Ang Katawan at Dugo ni Kristo. Amen.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________