Ang Linggo ng Palaspas ay nagpapa-alala sa atin; ang pagpasok ni Hesus sa banal na lungsod ng Jerusalem. Sya’y tinanggap ng mga tao at sila’y nagbubunyi dahil sila ay papalayain na sa mga kamay ng mga mananakop na Romano, sa pamamagitan N’ya. Ito ang sigaw ng mga tao; “Hosanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Pagpalain nawa ang kaharian ng ating amang si David, na muling itinatatag! Purihin ang Panginoon!” At bakit para nabaklitad, ang “heroes welcome” ay napalitan ng sigaw; “ipako sa krus.”
Ang akala ng mga tao na sila ay papalayain sa kanilang politikal na sitwasyon. Dahil sila nga ay nasakop ng mga Romano. Ang ating tunay na kalayaan ay hindi lamang makalaya sa politikal na pananakop, sa ekononiya, kundi sa pamamagitan ng ating Espiritwal na pamumuhay. Ito ang misyon ni Hesus na mapalaya tayo sa ating mga kasalanan. Hindi buo ang ating pamumuhay kung hindi tayo maahon sa kasalanan.
Ang kanyang pagpapako sa krus ay maghahatid sa atin ng ating kaligtasan at kalayaan. Dahil sa pagmamahal ni Hesus tayo ay pinalaya. At tayo’y dapat magpasalamat sa kanya. Dapat ating S’yang tanggapin hindi lamang sa pagwagayway ng palaspas kundi sa atin pagpapasalamat at pagpupuri sa kanya.
Ang Linggo ng Palaspas ay nagpapaalala sa atin na hindi lamang natin tanggapin at pasalamatan si Hesus sa panahon kasaganaan, kundi sa panahon na mga pasubok at hirap sa buhay. Dapat lalo tayong kakapit sa kanya, dahil S’ya lamang ang ating tagumpay at pag-asa. Hinarap ni Hesus ang kanyang misyon na puno ng tiwala sa Ama. Bilang OFW huwag tayong matakot na harapin ang ating mga misyon, dahil ito ang magdala sa atin ng ating tagumpay at magbibigay ng kabuluhan sa buhay.
Hindi tayo pababayan ng Diyos kung harapin natin ang ating misyon na puno ng tiwala sa ating Amang nasa langit.
ng Linggo ng Palaspas ay nagpapa-alala sa ating na bawat misyon ay may kaakibat na pagsubok, pero huwag kang susuko dahil, kung kasama nating ang Diyos, may tagumpay sa bawat misyon.
● Father Jay Flandez SVD