
Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita.”
Nasa panahon tayo ng Kwaresma. Tayo ay tinatawag na maglakbay dalangin, mag ayuno at maglingkod. 40 araw na pagninilay at pagkaisa sa pagdurusa ni Hesus at ng mga dukha sa ating lipunan.
Inaaya tayo ni Hesus na magsisi sa ating mga kasalanan, talikdan ang masama at maniwala at manalig sa Mabuting Balita.
Paano natin ipagdiriwang ang Kwaresma sa gitna ng mga pinagdaraanan natin sa buhay. Para sa ating mga OFWs malamang eh na mimiss na ang pamilya. Iba kasi ang Mabuhay at magtrabaho sa ibang bansa. Pero ngayon Kwaresma maglaan tayo ng oras sa panalangin. Magkaroon tayo ng oras para manahimik at magdasal. Huminga ng malalim, mag pasalamat sa Diyos at humingi ng lakas sa kanya na malabanan natin ang mga tukso at pagsubok ng buhay.
Mag lakbay tayo ngayong Kwaresma sa pagbabasa ng Bibliya Maglaan tayo ng oras para pagnilayan ang Mabuting Balita. Kaya mahalaga din ang pakikinig.
Dahil alam natin na si Hesus mismo ay tinukso, tayo din ay dadaan sa pagsubok. Si Hesus nilabanan nya ang tukso sa pamamagitan ng panalangin at pagtitiwala sa Diyos.
Ngayon Kwaresma i-review natin ang ating buhay. Humingi tayo ng grasya at lakas sa Diyos na malabanan natin ang mga tukso na dumarating sa ating buhay.
Ating tandaan, ang Kwaresma ay di nagtatanong sa Byernes Santo kundi sa Pasko ng Pagkabuhay.
Tara kapatid, Manalangin, Mag ayuno at gumawa ang mabuti sa Kapwa. Patnubayan ka nawa ng Panginoon sa iyong paglalakbay.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Father Arnold Abelardo CMF