
May isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao.” (Mc. 1:40-41).
Kakaibang tagpo ito sa ating pagbasa. Kalimitan ang mga may sakit o may karamdaman ay pasigaw na lumapit kay Hesus upang sila’y pagalingin sa kanilang karamdaman. Pero sa tagpong ito, para hindi nag “demand” ang ketongin kay Hesus. Ang sabi lang N’ya; “Kung ibig po ninyo’y mapagaling ako.” Parang sinabi N’ya, kung ano ang kalooban mo para sa akin tatanggapin ko.
Puno ng pakumbaba ang taong ito, at dahil dito S’yang pinagaling ni Hesus. Ang taong magpakumbaba ay pinagpala.
Ang taong magpakumbaba madaling maka “move-on” sa buhay. Kung tayo man ay nasaktan o nakaranas na mapait sa nakaraan, tanggapin mo lang at huwag mag-planong gantihan ang kalaban dahil hindi iyan ang magdala sa iyong kagalingan o paghilom sa nakaraan.
Ang pagpapatawad ay isang pagpapakita na tunay tayong sumunod kay Kristo. Hindi sinunod ang ating emosyon kundi ang ating pananampalataya kay Kristo.
Ang pagpakumbaba ay bunga ng ating panalangin. Binaba ang sarili dahil gusto natin itaas ang kaharian ng Diyos. Sa panalangin ng Ama namin binabanggit natin, “Ama naming, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit.”
Kung tayo ay nananalangin, hindi pala ang ating sarili ang masunod kundi ang kalooban ng ating Pangioon. Ito ang ipinakita ng ketongin kay Hesus; “Kung ibig po ninyo’y mapagaling ako.” Hindi siya nag “demand” kay Hesus, pero handang tanggapin ang kalooban ng Diyos.
Kung sundin at tanggapin lamang natin ang kalooban ng Diyos sa ating buhay, magkakaroon ng sagana, kaayusan at kapayapaan ang ating buhay.
Dahil ang gusto ng Diyos sa buhay natin, ay buhay na puno ng pagpapala. At dahil gusto natin ang sariling kagustuhan ang masunod, hindi maging pamapayapa ang ating pamumuhay.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Magpakumbaba ka at sundin mo ang kalooban ng Diyos, ito ang magbigay sa iyo ng kaayusan at kapayapaan sa iyong buhay.
Father Jay Flandez SVD