
Paano nga ba tanggapin ang kaharian ng Diyos? At bakit maging tulad ng maliliit na bata ang ating ugali? Hindi sinabi ni Hesus na mag isip bata kundi magkaroon ng puso at ugali tulad ng mga bata. Ang magkaroon ng kababaang loob, pagka inosente.
Tulad ng mga bata na hindi mapagtanim. Tulad ng mga bata na nagtitiwala sa magulang sa lahat ng bagay. Tulad ng mga bata na masayahin sa buhay.
Madalas kasi ang challenge sa ating buhay pananampalataya ay paano ba magtiwala sa Diyos sa lahat ng bagay. Ang bata ay walang masyadong expectation at hindi nagpapa-stress sa buhay. Marunong tumanggap ang mga bata. Ang mga bata mababaw ang kaligayahan and always appreciative.
Kaya gusto ni Hesus na matuto tayo sa mga bata sa pagasasabuhay ng ating pananampalataya at matuto tayong magtiwala sa Diyos bilang ating Ama. Ang matutong maging masaya sa buhay at matutong umasa sa kabutihan ng Diyos. Tulad ng mga bata na alam nila na hindi sila pababayaan ng kanilang mga magulang, tayong May edad na ay magtiwala sa Diyos na hindi nya tayo pababayaan, dahil God always provides.
Bigyan nawa tayo ng Diyos ng kababaang loob tulad ng mga bata. Pagtitiwala, pag asa, pagmamahal at pagtanggap.
Father Arnold Abelardo CMF