Sundan ang liwanag nag bituin

Sundan ang liwanag nag bituin

Ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon. Sa PILIPINAS ipinagdiriwang natin ito traditionally na Fiesta ng Tatlong Hari. Magandang pagnilayan natin ang kanilang paghahanap kay Hesus.  Katulad ng mga Pantas maghanap din tayo, “Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang sambahin siya.”

Ang mga Pantas na mula pa sa Silangan ay nabalitaan ang kapanganakan ni Hesus. At sa gabay ng liwanag ng tala ay natapuan nila si Hesus at sya ay inalayan nila ng handog at pinuri at sinamba sya. 

Ayon sa Ehanghelyo ni Mateo ay labis ang saya ng mga Pantas ng matagpuan nila ang sanggol. 

Sa ating buhay madalas ay marami tayong hinahanap na bagay at pag nakita na natin ay labis ang ating saya. Pero ang mga Pantas ay may bigay na Aral sa ating pananampalataya at yan ay hanapin si Hesus, magalak at sumamba sa kanya. At katulad din ng mga Pantas naway mag alay tayo ng handog kay Hesus at hindi naman kailangang ginto, kamanyang at mira. Sa ating panahon ngayon maaari tayong mag handog ng oras, talento at kakayanan. Ang mahalaga ay mula sa pusong tapat na sumasampalataya sa Diyos. 

Tulad ng mga Pantas, maglakbay tayo na gabay ang tala at liwanag ni Hesus. At sa sabsaban ay ilapit nating lahat. Hindi na sa Bethlehem kundi sa ating mga puso, pamilya at komunidad Kung saan si Hesus ay mananahan. 

Katulad ng mga Pantas, purihin natin ang Diyos at sumampalataya tayo sa kanya. Sa plano at kalooban ng Diyos tayo manalig at Huwag kay Herodes. 

Sa Bagong Taong ito, naway gabayan tayo ng Tala, ng Liwanag ni Hesus na ating taga pagligtas. Makilala nawa natin sya at sambahin.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________