Ituwid para makatawid!

Ituwid para makatawid!

Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’”(Mc. 1:2-3).

Sa ikalawang linggo ng Adbientyo tayo ay pinaalalahan ni Juan Bautista na maghanda sa pagdating ng Mesiyas sa pamamagitan ng pagtama, pagtuwid ng ating baluktot na pamumuhay. Ano ba ang baluktot na pamumuhay? Pamumuhay na hindi naayon sa kalooban ng Diyos. Ano ito? Ang paggawa ng kasalanan sa Diyos at sa kapwa, ang pagtalikod sa mga utos ng Panginoon. Akala natin, na ang buhay ay hawak natin. Kung ikaw ay lumayo sa Panginoon, may buhay ka pero walang kabuhay-buhay. Buhay na walang direksyon, buhay na walang patutunguhan.

Kung ating pakinggan si Juan sa kanyang panawagan tayo ay magkakaroon ng direksyon sa ating buhay. Sabi ni Juan, “ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.”

Saan ba dadaan ang Panginoon? Sa puso natin. Ano ang laman ng puso mo? Galit ba? Puno ng makamundong pagnanasa? Dahil kung ang Panginoon ang nasa puso natin, lahat ng ating mga kilos ay maka Diyos. Pero kung makamundo ang nasa puso natin, lahat ng gusto natin ay makamundo rin, makasarili rin.

Ang Adbiento ay panahon ng paghahanda sa puso natin, upang sa pagdiwang ng kanyang muling pagsilang, sa puso na isisilang si Hesus. Baka maraming baluktot, o baka maraming tuwirin sa puso mo kapatid. Hindi makapasok si Hesus kung hindi malinis ang puso natin. 

Sabi sa Mt. 5:8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” 

Kung malinis ang puso natin makikita natin ang Diyos sa ating kapwa, lalong lalo sa mga nangangailangan.

Ituwid mo ang pamumuhay mo para ka makatawid sa buhay na walang hanggan.

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________