I-korek mo yan!

I-korek mo yan!

Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo -siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng Simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong Simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano. (Mt. 18:15-17).

Bahagi na ating Kristianong pamumuhay ang pagwawasto ng ating mga maling ugali. Dahil ang mga maling ugali ay hadlang ito sa ating pamumuhay bilang taga sunod kay Kristo. Dahil ang pagsunod kay Kristo ay ang pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Tayong lahat ay may mga kahinaan, wala namang perpekto na tao, di ba? Lahat tayo ay may dapat baguhin, sa tulong at grasya ng Diyos, mababago ang buhay natin. 

Tandaan natin, na ang pagwawasto sa mga kamalian ng ating kapatid ay ating responsibilidad bilang Kristiyano. Ayaw natin na ang ating kapatid ay mabuhay sa kamalian o kasalanan. I-korek natin ang ating mga kapatid na may ginawang mga mali. Dapat ang ating pagkokorek sa kanila ay magmumula sa ating puso,  dahil mahal natin ang ating mga kapananampalataya. Hindi paghuhusga kundi pagwawasto lamang. 

Unang pamamaraan sa pag-kokorek ng ating nagkakamaling kapatid ay kausapin mo siya ng personal. Huwag mong pupunahin o ikokorek sa maraming tao, mapapahiya lang siya. Puntahan mo siya at sabihin ang kanyang mga kamalian. Ang tunay na Kristiyano ay nagmamahal sa kanyang mga kapatid, at ang pagkokorek ng isang kapatid ay pagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Iwasan natin na sabihin pa sa iba ang kanyang mga kamalian. Paano mo mababago ang tao na hindi mo sa kanya sinabi ang pagkakamali niya. Kung tunay kang Kristiyano dapat may malasakit tayo sa ating kapwa. Huwag matakot na ikorek ang ating kapatid. Ang pagwawasto ay isang pagpapakita na mahal natin ang ating kapatid. 

Kung hindi siya makinig at ayaw tanggapin ang pagkokorek mo, ang ikalawang pamamaraan ay magsama ka ng isa o dalawang kapatid para maging saksi sa ginawa mo, sa pagkokorek sa kanya. Pag hindi pa rin makinig sabihin mo doon sa Simbahan o sa “community.” Pag ayaw pa rin makinig ituring mo siya na isang Hentil. 

Dahil ayaw niyang makinig sa Simbahan, walang kabuluhan ang kanyang pagsanib sa Simbahan. Ituring mo siya na hindi kasapi ng Simbahan.

Gusto mo bang maging kasapi ng Simbahan? Makinig ka, maging bukas ka sa mga pagtatama o pagkokorek sa kapwa mo. Tandaan natin ang pagkokorek ay isang pagpapahayag ng pagmamahal sa ating kasamahan.

Kung mahal mo ang kasamahan mo na may ginawang pagkakamali, ikorek mo dahil ang tunay na bahagi sa katawan ni Kristo ay may malasakit para maging maayos ang buong katawan ni Kristo. 

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________