Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo

Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo

Nananalig ka ba sa Diyos? Paano ka ba tumawag sa kanya? Ang dasal ba natin ay may kasamang pagtitiwala sa kapangyarihan at kagandahang loob ng Diyos. 

Ang Cananeang humarang kay Hesus sa daan ay nagpakita ng tapang at pagmamahal para sa kanyang anak na babae na “inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.” Abot ang kanyang sigaw at pakiusap kay Hesus. Pero si Hesus naman eh parang deadma lang at walang paki. Pero sige pa din sa pakiusap ang Nanay para sa kanyang anak. 

Mahal nya ang kanyang anak at gagawin nya ang lahat gumaling lang ito. Kahit na sya ay hindi man Hudyo at mula sa ibang komunidad. Sabi pa nga nya kahit pa mumo lang na malaglag mula sa mesa ok na. Kahit konting pagtingin
lang. At yun pala nakikinig naman si Hesus at alam nya ang nasa
puso ng babae. At kinilala
nya ang kanyang malaking pananampalataya. 

Hindi ba tayo ganon din pag may sakit sa ating pamilya. Nag pupunta  tayo sa Baclaran o sa Quiapo o sa Manaoag at bang simbahan para makiusap sa Diyos na pagalingin ang ating mahal sa buhay na maysakit. At minsan feeling natin tahimik ang Diyos, pero nakikinig pala sya at alam ang nasa ating mga puso. Nung magka cancer ang nanay ko ganon din ang sigaw ko sa Panginoon, para mo ng awa po para sa aking mahal na Ina, pagalingin mo sya. Taimtim na panalangin at pagsamo kay Hesus.

Katulad ng babae sa Ebanghelyo, isigaw lang natin sa Diyos ang ating panalangin. Ipakiusap natin sa kanya. Samahan natin syempre ng pananalig at pagtanggap sa akanyang kalooban. Hindi bingi ang Diyos. Andyan sya lagi at nakikinig. Mahal nya tayo.

 

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________