
Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”
Ang Ebanghelyo ay nag bahagi sa atin ng pagbabagong anyo ni Hesus. Magandang pagnilayan ang Kwentong ito. Tayong mga Pinoy o Pinay ay mahilig magpaputi. Ang iba ay nag gugluta meron naman ay nag Kojic soap na magpapabago ng anyo ng kutis ng mukha at balat. Pero ang mga chemical na ito ay napapalitan lamang ang balat para pumuti, Pero di ito nagpapabago ng kalooban. Panlabas na Pagbabago lamang.
Ang Pista ng Transfiguration ay paanyaya sa atin na magbago ng anyo sa pag uugali, at pakikipag kapwa tao.
Magandang pakinggan natin ang Salita ng Diyos Ama ng ipakilala nya si Hesus, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.
Pakinggan ninyo siya!”. Tayo ay tinatawag na makinig kay Hesus, sa kanyang mensahe. Kasama nila Pedro, Santiago at Juan, makita nawa natin ang pagbabagong anyo ni Hesus bilang paalala at pagpapakita ng kabanalan at kabutihan ng Diyos para sa ating lahat. Mahal ng Diyos ang kanyang anak kaya ipinadala nya si Hesus para sa ating kaligtasan. Ang ating buhay nawa ay umunlad sa buhay espiritwal sa pagdarasal, pagbabasa at pagninilay ng Bibliya.
Naway matuto tayo sa halimbawa ni Hesus sa paglilingkod at pagmamahal sa mga dukha, mga maysakit at ilipat sa buhay.
Father Arnold Abelardo CMF