Ang magsasaka at binhi

Ang magsasaka at binhi

Nasubukan mo na bang magtanim ng gulay o halaman? Ang sabi nila kahit daw gaano kaganda ang binhi pero kung hindi maganda ang lupa eh hindi tutubo ng maganda ang halaman. Lalo na pag hindi inalagaan ng dilig at pataba. Hindi tutubo, o hindi lalaki at hindi mamumunga Kung hindi maganda ang lupa na pagtataniman.

Ganon din ang Mabuting Balita. Kahit anong sigaw ang gawin sa atin Kung hindi tayo handang tumanggap at makinig eh walang mangyayari. Ang Salita ay ang Diyos mismo na nag katawang tao para sa ating lahat. Kailangan nating makinig. Itanim sa puso at isip ang binhi ng Mabuting Balita at diligin ng panalangin at pananampalataya. 

Ang Diyos ang manghahasik o magsasaka na nagtatanim sa atin ng binhi ng pagasa. Kapayapaan, Pagibig at pagliligtas. Handa ba tayong tanggapin ang binhi ay mamunga ng kabutihan? Bukas ba tayo na maging taniman ng binhi ng Mabuting Balita at mamunga ayon sa buhay na tama at makabuluhan 

Ibukas natin ang ating mga puso upang mataniman ng binhi ng Mabuting Balita at ito ay mamunga ng pagmamahal sa kapwa, pagtulong sa mga dukha at pag aruga sa mga api at walang inaasahan kundi ang Diyos.

Nawa’y mamunga ang Binhi ng Diyos sa ating buhay, sa ating pamilya, sa ating komunidad at lugar ng trabaho. 

God bless you. Pagpalain ka ng Diyos.

 

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________