Ibigin at paglingkuran ang Diyos una sa lahat

Ibigin at paglingkuran ang Diyos una sa lahat

Maliwanag ang paanyaya ni Hesus sa ating lahat. Unahin natin ang Diyos higit sa lahat. Una ang Diyos sa lahat ng bagay. Una ang Diyos higit sa ating pangangailangan at alalahanin sa ating pamilya, pera o mga gamit sa buhay. 

Hindi naman sinabi ni Hesus na pabayaan natin at iwan lang ang ating mahal sa buhay. Ang kanyang panawagan ay unahin natin ang Diyos at gawin syang sentro at number one ng ating buhay. 

Minsan kasi madali tayo makalimot pagka maayos ang ating buhay. 

Pagka walang maysakit sa ating pamilya. Pag wala tayong kailangan sa buhay tulad ng pera o trabaho o kalusugan. Maliwanag ang tawag ni Hesus sa ating lahat. Sya dapat ang number one. Ang Diyos dapat ang una at higit sa lahat. 

Pero tandaan natin ito, nangako din si Hesus na hindi nya tayo pababayaan sa pag sunod natin sa kanya. Hindi nya tayo iiwan sa pag una natin sa kanya. Kaya nga sabi din ni Hesus minsan sa kanyang mga alagad na “hanapin ninyo ang kaharian ng Diyos at ang lahat ay ibibigay sa atin.” 

Pag ang Diyos ang ating inuna mas gagaan at payapa ang ating buhay. Dahil sa Diyos tayo ang una. Mahal tayo ng Diyos.

 

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________