
Tayong mga Pilipino pag mag abroad ang daming naghahatid dahil malayo ang byahe. May panahon tayo at habilin na mag ingat at huwag makakalimot. Lalo na huwag kakalimutang magpadala ha.
Si Hesus sa kanyang pag akyat o byaheng langit eh me habilin at pasalubong agad sa atin na “humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.” Sa kanyang pagbabalik sa Ama sa Langit, ang habilin nya ay ipahayag ang mabuting Balita. Ang bumuo ng komunidad na may pagmamahalan at malasakit sa isa’t isa. Sa pag akyat ni Hesus sa langit, hanggang sa huli ang bilin nya ay sumampalataya tayo ay magtiwala sa kanya. At sabi pa ni Hesus “Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Pangako na totoo. Habilin na Tama ay May pagtatangi at pagmamahal. Di ba minsan ang sabi nating “walang forever” kaya madali ang hiwalayan. Pero si Hesus ang sabi nya kasama natin sya lagi hanggang katapusan. Kay Hesus eh walang iwanan. Hanggang sa huli kasama natin sya.
Si Hesus ang ating Pagasa at Kaligtasan. Si Hesus ang ating Liwanag at Kapayapaan.
At sa pag akyat ni Hesus sa Langit, naghanda sya ng lugar para sa atin.
Dahil gusto nya kasama nya tayo hanggang sa huli.
Father Arnold Ablerdo CMF