Ipinanganak na bulag ang lalaking ito, hindi dahil sa nagkasala siya o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos.“
Madali ang mag husga o mag label ng tao dahil sa pinagmulan nyang pamilya o lugar. Nuong araw pag sinabing taga Tondo ka eh katatakutan ka na siga o matapang. At pag sinabing taga Capiz eh me manananggal daw duon o kaya eh iba pang prejudice. Nuong panahon ni Hesus, pag ang tao ay may sakit o kapansanan eh inuugat ito na maaaring me kasalanan ang tao o kaya ay kanyang magulang. Katulad ng taong bulag sa Ebanghelyo, sya eh na kondena na ng nga Pariseo at komunidad na may sala kaya sya naging bulag at bunga ng kasalanan ng magulang o ninuno. At dito nga ay ipinakita ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos na mag hilom at magpagaling para sa kabuuan ng maysakit. Ipinakita ni Hesus sa mga Pariseo at taumbayan na mali ang kanilang pananaw. Hindi mapag parusa ang Diyos. Hindi mapag lista ang Diyos sa kasalanan ng tao. Hangad ng Diyos ang kaganapan, kabuuan at pag galing ng maysakit. Kailangan lamang ay kababaang loob at pananampalataya sa Diyos.
Sa ating buhay, maaaring na experience na natin ang ma husgahan ng iba dahil sa ating nationality, sa ating accent o paraan ng pagsasalita, o sa ating pamilyang pinagmulan. Sa kabila nito, nakita natin sa Ebanghelyo na di tinitingnan ni Hesus ang ating back ground o pinagmulan. Ang mahalaga sa Panginoon ay ang ating kababaang loob, pagsisi at bukas na pagsamo sa kanya.
Ngayong panahon ng Kwaresma lumapit tayo sa Panginoon. Ano ba ang bumubulag sa atin para di natin makita ang kabutihan at paginog ng Diyos? Ano ba ang mga bagay na sumisilaw sa atin para magbago ng buhay? Pera ba? Relasyon? Masamang nakagawian? O pagiging sarado ng isip at puso sa Diyos? Gamitin natin ang panahon ng Kwaresma na umiwas sa paghusga sa ating kapwa. Magnilay tayo at magdasal para simulan ang pagbabagong buhay. Imulat natin ang ating mga mata sa kagandahang loob ng Diyos. Ibukas natin ang ating puso sa pangangailangan ng mga dukha. Huwag humusga. Magmahal at mag malasakit. At mas makikita natin ang kapangyarihan at pagliligtas ng Diyos sa atin.
At kung tayo naman ang na husgahan, magpatawad at mas magtiwala sa Panginoon na nagmamahal sa atin. Hindi natin ma please ang lahat ng tao. May susuri at huhusga pa din sa atin. Pero sa huli ang mahalaga, andyan ang Panginoon na may alam ng lahat. Kung hindi man tayo maunawaan ng iba, eh tayo na ang umunawa. Mag patawad, umunawa at magmahal. Sa ganon eh mas mapapalapit tayo sa Diyos. Madalas nga ang mas importante sa lahat ay hindi ang nakikita, kundi ang nasasa puso. God bless po.
Father Arnold Abelardo CMF