
Pinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ni Santo Niño. Sa Pilipinas lalo na sa Cebu ay may SINULOG, may Fiesta at masayang selebrasyon. Sigaw ng mananampalataya ay PIT Señor at Viva Santo Niño. Pero tara po at balikan natin ang Ebanghelyo at pagnilayan ang Salita ni Hesus.
Tinanong si Hesus ng mga alagad nya kung “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” at simple at direct ang sagot ni Hesus ““Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” Tinatawag tayo ni Hesus na maging mababa ang loob tulad ng mga bata. Ang maging masunurin at tapat sa kanyang kalooban. Ang mga bata kasi eh simple lang at di mapag tanim ng sama ng loob. Hindi din sila mapaghangad ng labis. Pag tinanong mo kasi ang mga bata kung ano ang gusto nila paglaki ang madalas na sagot ay makatapos ng pagaaral para makatulong sa pamilya at sa kapwa. Ganyan ang mga bata, iniisip nila lagi ay iba.
Kung magbalik tanaw tayo sa ating pagkabata ay maganda din at simple ang ating hangad at pangarap. Mabuting hangarin sa kapwa. Kaya si Hesus gusto tayong magbalik bata para maalala nating muli ang pagiging mabuti, simple at inosente. Kaya mahalaga din na tanggapin natin ang mga bata ay dahil sila ang ating mga guro at madami silang maituturo sa atin. Sa isang banda mahalaga na tanggapin natin ang mga bata para din matulungan sila. Alalahanin natin ang mga bata na exploited or nasa force labor, pati na ang mga biktima ng abuso. Sa pagdiriwang natin ng Fiesta ni Santo Niño ipagdasal natin ang mga bata. Ingatan natin ang mga bata. Tulungan natin sila at suportahan. Viva Santo Niño. PIT Señor.
Father Arnold Abelard CMF