Laging handa!

Laging handa!

May kasabihan ang mga “boys scout” na “laging handa”. Langing handa sa mga pangyayari, laging handa sa mga darating na sakuna upang maiwasan ang disgrasya at upang maprotektahan ang buhay.

Sa unang Linggo ng Adbiento, ang ating tema ay paghahanda. Ang salitang Adbiento ay paghahanda sa pagdating ng Mesiyas. Sa Lumang Tipan hinuhulaan ng mga Propeta ang pagdating ng Mesiyas. Darating ang ating pag-asa, darating ang ating kaligtasan. Ating paghandaan ang kanyang pagdating sa pamamagitan ng pagbabalik loob sa Diyos, at sa pagmamahal at pagpapatawad sa kapwa. 

“Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt. 24: 42). At dahil hindi natin alam, dapat palagi tayong handa. Tularan natin ang “Boys scout” na laging handa. Ang buhay ng Kristiyano ay isang paghahanda. Hindi lamang tuwing Adbiento o Kuwaresma tayo maghahanda. Araw-araw ay paghahanda. Ibig sabihin ang buhay natin bilang tumanggap ng Binyag ay paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Ang Kristiyano ay laging handa.

Kung tayo ay laging handa, alam natin ang mga nangyayari sa paligid natin,  alam natin kung papaano maiwasan ang masasama, alam natin kung papaano bantayan ang ating espiritwal na pamumuhay. Hindi natin hayaan na gagamitin tayo ng demonyo upang manira sa kapwa natin. Maging handa tayo upang hindi makapasok ang demonyo sa buhay natin. “Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno  ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay.” (Mt. 24: 43). Huwag mong hayaang na pasukin ng masasamang Espiritu ang iyong buhay. Laging handa at hindi ka mapapahamak dahil si Kristo ang gagabay sa iyo. 

Paano maghanda? Sa walang sawang panalangin. Ang panalangin ay ang paghahanda. Kung tunay tayong nananalangin hindi makapasok ang demonyo sa buhay natin. Bago umpisahan ang araw, manalangin. Bago matulog, manalangin. Dahil ang pananalangin ay ating kalakasan at magdala sa atin ng kaligtasan. 

Ang Kristiyanong laging nananalangin, ay laging handa!

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________