Nasaan ba ang ating puso?

Nasaan ba ang  ating puso?


 

Isa na yata na napakasakit ay masabihan ng “wala kang puso”. Ibig sabihin eh wala ng tibok, walang buhay. Walang pagmamahal. Kaya mahalaga na suriin natin kung nasaan ba ang ating puso. Dahil sabi nga ni Hesus “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso.” Pero eto ang challenge ni Hesus sa atin ha. Huwag daw tayo matakot. Ibenta daw daw ang ariarian natin at ibahagi sa mga dukha. Gusto ni Hesus na tayo’y maging bukas palad. Alalahanin natin ang mga nangangailangan. Maging malambot ang ating puso sa mga api. Ang taong may puso ay mapagbigay sa kapwa. Ang taong walang puso ay sakim at maka sarili. 

Kaya katulad nila Pedro at mga alagad ni Hesus, nawa’y maging tapat tayong alipin o lingkod. Magbantay tayo at mag abang. Huwag tayong umasa sa yaman at kapangyarihan. Ang pera nauubos, ang gamit at pagkain nasisira at ang buhay may katapusan. Hangarin natin ang kaharian ng Diyos. Paglaanan natin ang langit kung saan tayo ay buo at walang masisira o mananakaw. Ibigay natin ang lahat sa Diyos at magtiwala tayo sa kanyang pagmamahal. 

Nawa’y maging bukas ang ating puso para tanggapin ang Diyos sa ating buhay. Dahil kung ang Diyos ang nasa ating puso, anduon ang pagmamahal.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________