Relax ka lang at huwag maligalig

Relax ka lang at huwag maligalig


 

Ang kwento ni Marta at Maria ay pagpapalita ng magandang samahan nila kay Hesus. Imagine, si Hesus pala may mga friends din ay mga babae pa. Siguro kung may Facebook na nuon eh tiyak FB friends din sila. 

Para kila Marta at Maria ang pagtanggap kay Hesus ay pagbibjgay sa kanya ng panahon. Si Marta naging abala sa pagluluto. At si Maria naman excited makinig sa kwento ni Hesus kaya naupo sya sa kanyang paanan. Pareho nilang mahal si Hesus. Magkaiba lang ang pagtanggap. Si Marta eh abala at ligalig sa kusina kaya nireklamo nya si Maria na tulungan sya. Pero maganda ang payo ni Hesus. Relax lang Marta at huwag kang magpaka abala sa mga bagay bagay. Ang pakikinig ay sapat na. At yun ang pinili ni Maria, ang makinig at magbigay ng atensyon kay Hesus. Syempre kakain sila ng niluto ni Marta. 

Sa ating buhay panalangin at pananampalataya minsan ay abala tayo sa maraming salita o ingay at galaw, pero minsan mahalaga din ang pananahimik ay pagninilay. Mahalaga sa relasyon natin sa Diyos ang pakikinig. Hindi pwedeng tayo lang ang salita ng salita at hingi ng hingi sa ating panalangin. Mahalaga na katulad ni Maria ay manatili tayo sa paanan ni Hesus, nakikinig, nakatitig at nagtitiwala. Huwag tayong magpadala sa problema o alalahanin ng buhay. Sa harap ni Hesus ialay natin ang lahat. Huwag maligalig at maging abala sa mga bagay bagay. Magdasal, magtiwala ay manalig. Kasama natin lagi ang Diyos.

 

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________