
Pasko ng Pagkabuhay
ni Hesus
Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!”
Ito ang pahayag ni Maria Magdalena sa mga alagad. Wala na sa libingan si Hesus. Hindi pa nila naunawaan ng lubos ang pangyayari. Maaaring sila’y nagluluksa pa at may takot na nararamdaman. Subalit wala na nga sa libingan si Hesus. Dahil sya ay nabuhay na muli ayon sa kanyang sinabi. Pero ayon nga sa Ebanghelyo “Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.”
Pero ito ang katotohanan; si Hesus ay nabuhay na muli. Wala na sya sa libingan. Buhay sa Hesus at makikita sya ng harapan nila Magdalena at mga mga alagad.
Ang buong Simbahan ay nagdiriwang at nagsasaya. Si Hesus ay nabuhay na muli. Kaya tayo ay magalak at umawit at sumigaw ng Aleluya si Hesus ay buhay. At sa ating panahon sya ay ating kapiling at kasama. Sa Misa ay natatanggap natin sya ng buo. Ang kanyang Katawan at Dugo. Sa pahayag ng Biblia ay nadidinig natin ang kanyang Salita. At sa mga dukha at aba napaglilingkuran natin sya. Tayo ay magdiwang at magpuri sa Diyos dahil sya ay mabuti. Purihin ang Diyos ngayon at magpakailan man. Aleluya, Aleluya.
Si Hesus ay buhay at sya ay ating kapiling. Happy Easter po. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus sa inyong pamilya.
• Father Arnold Abelardo CMF