
Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’”
Happy New Year po sa lahat. Masaganang Bagong taon sa ating pamilya.
Katulad ng iba’t ibang tao nuong panahon ni Juan Bautista, madami sa atin ang naghahanap, nagtatanong tungkol sa ating kaligtasan at buhay pananampalataya. Sa dami ng sekta at relihiyon na nagsulputan sa ating panahon eh alin kaya ang tama at totoo. Sino ba talaga ang tagapag ligtas? Kaya niliwanag ni Juan Bautista na sya eh tinig sa ilang, ang boses na tagahatid o taga announce na si Hesus ang tagapag ligtas. At kaya mahalaga ang kanyang panawagan na tuwirin natin ang daraanan ng Panginoon. Lumakad tayo ng tama sa tuwid na daan ng kapayapaan, pagibig at kabutihan.
Katulad ni Juan Bautista tayo ay tinatawag na maging propeta at saksi ng pagmamahal ng Diyos sa ating kapwa lalo na sa mga dukha. Sa panahon ngayon na madami ang naghihirap dahil sa mga disaster, gyera ay kagutuman, mahalaga na tayo ay handang maging boses o tinig ng mga mahihirap. Ang tayo ay tumindig para sa mga mahihina. Ang tayo ay sumigaw at manawagan para sa kapayapaan at pagkakasundo.ng mga pamilya at bansa.
Para sa ating mga OFW, ang tayo ay maging mabuting halimbawa ng pagmamahal.at paglilingkod ng Diyos sa ating kapwa. Katulad ni Juan hindi din tayo karapatdapat na magkalag ng tali ng sandalyas ng Panginoon subalit tayong lahat ay tinatawag ng Diyos na maging propeta katulad ni Juan Bautista na tinig sa ilang para sa katotohanan at kabutihan.
Sa Bagong Taon na ito ng 2022 naway gabayan tayo ng Diyos at ingatan lagi at gabayan ng kanyang liwanag. Happy New Year po. God bless po.
• Father Arnold Abelardo CMF