Gayahin ang pagpapakumbaba ng Birha Maria

Gayahin ang pagpapakumbaba ng Birha Maria

Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!”

Si Maria ay pinagpala dahil sa kanyang kagandahang loob, pagtugon sa tawag ng Diyos at pagtulong sa nangangailangan. Nagmamadaling pumunta si Maria sa bahay ni Elisabet na pinsan nya para tulungan sya. Si Maria ay halimbawa ng malasakit sa kapwa. Alam nya na buntis amg kanyang pinsan kaya agad dumalaw sya. At ang dalaw ni Maria ay nagdulot ng saya at galak kay Elisabet.  Sabi nga ni Elisabet, sino daw sya para dalawin ng ina ng Diyos, pero si Maria ma imagine natin eh nakangiti lamang at niyakap ang pinsan nyang si Elisabet. Dala ni Maria ang pagmamahal ng Diyos. Marunong syang magbahagi. Sa Paskong darating, nawa’y ma-inspire tayo ng halimbawa ni Maria sa pagtulong sa kapwa. Ang diwa ng Paskong darating ay pagtugon sa nangangailangan, pagkalinga sa mga dukha. Katulad ni Maria, dalawin natin ang mga maysakit, mag alay ng panalangin sa mga mahihirap, mag mahal at mag alaga. 

Kaya mga kapatid, isama natin si Maria sa ating mga gawain para magbigay ng galak sa mga dukha at nangangailangan. Nawa’y tanggapin natin ang biyaya ng Pasko, Kapayapaan, Pagmamahal at Pag-asa at Kaligtasan para sa ating lahat. Maligayang Pasko po.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________