Nagbago dahil nakinig kay Juan!

Nagbago dahil nakinig kay Juan!

Kung gayun, ano po ang dapat naming gawin? Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din  ang gawin ng mga pagkain, tugon ni Juan.” (Jn. 3:10-11).

Si Juan Bautista ay pinadala ng Diyos upang magbigay ng babala sa mga tao sa pagdating ng Mesiyas. Ang mensahe ni Juan sa kanila; “pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Lumapit ang mga tao kay Juan at humingi ng payo kung ano ang kanilang gagawin. Parang nasanay na ang mga tao sa kasalanan. Hindi na alam nila ang dapat gawin. Ito ang sabi ni Juan sa mga taong lumapit sa kanila. Sa mga publikano; “Huwag kayong sumisingil ng higit sa dapat singilin”. Sa mga kawal; “Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod.”

Kung nasanay na tayo sa kasinungalingan, sa mga korapsyon, sa kapangyarihan, hindi na natin alam kung ano ang ikabubuti sa ating bansa. Bilang Kristiyano gamitin natin ang ating moralidad o ang turo ni Kristo na maging batayan sa pagpili ng mamumuno sa ating bayan. Itanong mo sa sarili mo ito, bakit ko ba ito ang pinili? Ito ba ang kalooban ng Diyos para maahon ang kalagayan ng aking bayan? Dapat ang batayan mo ay ang pagka-Kristiyano mo.

Sa ating pagbasa sa Linggong ito, pinili ng mga tao na sundin ang sinabi ni Juan. Ang pagbabago ay magsisimula sa sarili. Kung gusto nating baguhin ang ating bayan simulan mo sa sarili mo. Hindi natin makamit ang pagbabago ng ating bayan sa mga taong nasa kapangyarihan. 

Dahil ang gusto lamang nila ay ang pang- habambuhay na kapangyarihan, hindi ang paglilingkod sa bayan. Tayo ang dapat magbago, dahil walang pagbabago kung ikaw ay hindi magbago. Ilang beses na tayong nabigo sa mga pangako ng pagbabago. Kung wala si Kristo sa ating buhay, ang pangakong pababago ay mapapako lamang. Kung tatanggapin natin si Kristo, gagawin din natin ang pamamaraang maka-Kristiyano para sa tunay na pagbabago, hindi ang sariling pamamaraan na makasarili at sarili lamang pinupurihan hindi si Kristo ang tunay na makapangyarihan.

Matuto tayong makinig kay Kristo sa pamamagitan ng kanyang Banal na Salita. Sikapin natin na isabuhay ang kanyang turo para maghari si Kristo sa ating lipunan. Walang tunay na kapayapaan, kaunlaran at tagumpay kung hiwalay tayo kay Kristo. Walang tunay na pagbabago kung maka-sarili parin tayo. Sa mga desisyon sa buhay mo, dapat ito ay para sa ikabubuti ng karamihan hindi lamang sa iyong sarili at ilan-ilan mong kaibigan.

Talikuran ang makasariling pamamaraan at tanggapin ang payo ni Juan, na maging mapagmahal sa kapwa at bayan.  

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Ikaw kanino ka nakinig?

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________