
Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos,”
Na imagine ko ang boses ni Juan Bautista habang pasigaw nyang tinatawag ang mga tao na magsisi sa kasalanan at magbalik loob sa Diyos. Maliwanag ang kanyang panawagan sa lahat na maghanda dahil padating ang Panginoon, ang Tagapagligtas. Ihanda daw ang daan at maging ready. Hindi pwede ang patumpik tumpik. Dapat maging handa.
Ngayong panahon ng Adbyento nadidinig natin sa Ebanghelyo ang panawagan ni Juan na tayo ay magbagong buhay. Magpakabuti. Magpakatino at lumapit sa Panginoon. Parang sa bahay natin. Di ba pag me bisita tayong darating nag re ready tayo at naghahanda para naman hindi nakakahiya sa mga bisita. Naglilinis tayo ng bahay, nagluluto, nagbibihis ng maaayos para naman maganda ang ating dating. Ngayon naman sa panahon ng Adbyento tayo ay tinatawag na maghanda dahil ang bisitang darating ay si Hesus mismo. Kailangan natin linisin ang ating mga puso at tanggapin si Hesus sa ating buhay. Maghanda tayo ng panalangin dahil si Hesus ay darating. Magsaya tayo at magalak. Yayakapin tayo ni Hesus si Emmanuel, na ibig sabihin ay Sumasaatin ang Diyos. Magtiwala tayo sa Diyos dahil sya ang papatag mismo sa mga daang bakubako at magtutuwid sa daang likoliko at sya ang magliligtas sa atin.
Napakabuti ng Diyos sa atin kaya dapat syang purihin at pasalamatan. Paghahanda, pagsisi at pasasalamat sa Diyos na ating Tagapagligtas. Amen.
• Father Arnold Abelardo CMF