
Ang Espiritu ang nagbibigay buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay” (John 6: 63).
Noong tinanggap natin ang Sakramento ng Binyag ang ating katawan ay nagiging tahanan ng Banal na Espiritu Santo. Ang tumanggap ng binyag ay ginagabayan ng Banal na Espiritu Santo sa kanyang pamumuhay at paglalakbay. Ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng halaga at kahulugan ng ating buhay. Sa pa-nahon ng kahirapan at kapighatian ang Espiritu Santo ang nagbibigay lakas upang ating malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Ang Espiritu Santo ang nagbibigay lakas kung tayo ay nanghihina dahil sa kabi-kabilang mga pagsubok.
Kung ang Espiritu Santo ang nagbibigay lakas sa ating buhay, ating pahalagahan ang ating Espiritwal na pamumuhay sa pamamagitan ng pagdadasal,
pagdalo ng Banal na Misa at
pagtanggap ng Banal na Eukaristiya. Huwag nating kalimutan na tuwing Linggo o “day-off” natin bisitahin natin si Kristo sa kanyang tahanan upang magpapasalamat sa Banal na Espiritu Santo na nagbibigay sa atin ng lakas at direksyon sa ating paglalakbay. Kung makinig tayo sa Banal na Espiritu Santo hindi tayo mawawala sa ating paglalakbay dahil S’ya ang ating gabay.
Nakakalungkot na marami sa ating kababayan na nakalimot na kay Kristo. Wala ng panahon na magsimba at magdasal. Alam ko maraming dahilan kung ba-
kit ganon na lamang ang kanilang pakikitungo sa buhay. May isang kapananampalataya na nagbahagi ng kanyang mapait na karanasan sa buhay at kung paano siya lumayo sa Simbahan. Sabi n’ya sa sobrang hirap na dinanas niya sa buhay parang nakalimutan na siya ng Panginoon.
Mula noon humina ang kanyang pananampalataya. Hindi na siya nagsisimba, hindi na nagbabasa ng biblia at hindi na nagdadasal. Sa loob ng dalawang taon hindi na siya pumupunta sa sim-bahan. Para sa kanya, kaya niya ang lahat sa pamamagitan ng kanyang talino at lakas. Hanggang dumating ang isang pagsubok, na gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay. Sabi niya parang wala nang halaga ang kanyang buhay. Meron naman siyang trabaho, may pera naman sya, may pamilya at
kaibigan pero parang may kulang. Hindi na siya masaya. At noon nya natuklasan, na walang kahulugan ang buhay kung hindi natin
kasama ang Diyos. Para sa kanya ang Diyos ang nabibigay buhay. Hindi ang kayamanan ang
nagbibigay buhay kundi ang Salita ng Diyos. Sabi ni Hesus; “Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.”
Sa Banal na Biblia natin matatagpuan ang salita na Diyos. Kung gusto natin ang buhay at lakas ng Espiritu Santo ugaliin na magbasa at magnilay sa mga salita ng Diyos. Nawa’y meron tayong panahon na magbasa ng Biblia upang tuloy-tuloy ang lakas at biyaya ng Diyos.
• Father Jay Flandez SVD