Tiwala lang kay Kristo!

Tiwala lang kay Kristo!

Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala.” (Mc. 6: 8-9).

Pag ako’y pumunta sa paliparan ng Hongkong para sunduin ang kasamahan naming pari napapansin ko ang ating mga kababayan, lalong-lalo na yung mga baguhan. Karamihan sa kanila konti lang ang dala na gamit, at ang mukha ay parang tulala. Naintindihan ko yan dahil nanibago sa lugar, sa kultura at may takot kung ano ang kanilang buhay dito sa Hongkong bilang isang kasambahay. Nangibang bansa tayo para sa kinabukasan ng pamilya. Kung may mga mahalagang dala tayo ito ay mga larawan o mga bagay na magkokonek sa ating mga mahal sa buhay. Wala tayong ibang dala kundi ang ating pagmamahal sa pamilya. Ang pagmamahal sa pamilya ang nagbibigay lakas sa atin upang kakayanin ang mga hinaharap.

Tulad ng mga alagad sila ay pina-alalahanan ni Kristo na sa kanilang paglalakbay huwag magdala ng maraming bagay. Ang mahalaga ang Mabuting Balita para ito ay mapalaganap sa sanlibutan. Ang tagubilin ni Hesus sa kanila na hindi magdadala ng mga gamit ay nagpapaalala sa kanila na si Hesus ang magbibigay ng kanilang panga-ngailangan. Hindi sila pababayaan ni Hesus sa kanilang pagmimisyon. Hindi magkukulang ang mga alagad dahil si Kristo ang kasama nila sa kanilang paglalakbay upang ibahagi at ipalaganap ang kaharian ng Diyos. 

Tayo rin mga Migrante, ang dala natin ay ang pagmamahal sa ating pamilya at pananampalataya kay Kristo. Ito ang nagbibigay lakas sa ating pagtratrabaho. Mahirap makikisama ng ibang tao, lalong lalo na kung ibang lahi. Pero nagpakumbaba tayo dahil sa pagmamahal para sa pamilya. Sa pagdating ng sahod, hindi ang sarili ang iniisip kundi ang pamilya. May pera sana pero ito ay pinadala mo para sa kanila. Dahil mas mahalaga sila kay sa sariling pangangailangan mo. Sa kabila ng ating sitwasyon naging masaya parin tayo, nagkaroon parin ng kahulugan ang buhay natin. Dahil gumawa tayo ng bagay sa ngalan ng pagmamahal at pananampalataya. Kung ang tao ay nagmisyon para sa pagmamahal nagkakaroon ng direksyon at kahulugan ang kanyang buhay. 

Ito ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad na huwag silang magtiwala sa kanilang makamundong bagay, dapat sila ay magtiwala sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Dahil ang mabuting balita ay magbibigay direksyon at kahulugan sa buhay natin. At ito ang magbibigay sa ating ng tunay na kaligayahan. 

Sa iyong paglalakbay magti-
wala kay Kristo, hindi niya tayo pababayaan dahil alam N’ya na pumarito ka para magsakripisyo para sa iyong pamilya. Nawa’y magsakrispiyo din tayo para sa kanyang kaharian dahil ang nagpapalaga-nap ng Mabuting Balita ay gagantimpalaan ni Kristo.

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________