Paghahasik ng Pananampalataya

Paghahasik ng Pananampalataya

Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Minsan sa ating buhay ay may darating na pagsubok o problema. Maaaring karamdaman, kawalan ng trabaho, at kung minsan takot or kawalan ng pagasa. At pag dumating ang sitwasyon na ganito eh parang bagyo o malakas na hangin at alon na aalog sa ating buhay. Dito tayo kailangang tu-
mingin kay Hesus. 

Sa Ebanghelyo ngayon tayo ay tinatawag ni Hesus na mag tiwala sa kanya. Nakita natin sa kwento ang takot at pangamba ng mga alaga ni Hesus. Takot silang malunod at mamatay. Malakas ang alon at akala nila eh walang pakialam si Hesus. At dumating sa kanila ang takot na kahit kasama na nila si Hesus eh anduon ang pangamba at nerbyos. 

Kaya ang tanong ni Hesus sa kanyang alagad, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” At namangha ang kanyang mga alaga ng utusan nya ang hangin at alon na tumahimik. At kasama nuon ay ang kanyang pag kalma sa takot ng kanyang mga alagad. Ang mag tiwala dahil kasama nila si Hesus. Ang manalig dahil hindi sila pababayaan ng Diyos. Sa ating buhay, anuman ang ating pagsubok o karam-daman na pinagdadaanan, mag tiwala tayo kay Hesus. Manalig tayo sa kanyang pagmamahal. Umasa tayo sa kanyang pagliligtas. Kapatid, ilagay mo sa iyong puso, hinding hindi ka pababayaan ni Hesus. Sya ang ating lakas at Tagapagligtas. Pagpalain tayo ng Diyos kay Hesus at patatagin ang ating pananampalataya.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________