Paghahasik ng Pananampalataya

Paghahasik ng Pananampalataya

Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang araw-araw na gawain; tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano.” (Mc. 4:26-27).

Hangad natin na mangyari ang kaharian ng Diyos sa ating pamumuhay. Ito ang ating dasal, “…mapasaamin ang kaharian mo dito sa lupa, para nang sa langit.” Tinuturuan tayo ni Hesus sa ating ebanghelyo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinabi ni Hesus, na ang paghahari ng Diyos ay maitutulad ng isang naghahasik ng bindi sa kanyang bukid. May ginawa ang tao, S’ya ay naghahasik ng binhi. Bukod sa panalangin dapat may gagawin din tayong aksyon upang maghari ang Diyos sa buhay natin. Kung gusto natin na maghari ang Diyos sa buhay natin maghahasik tayo ng binhi. Binhi ng pag-ibig.

Ang pag-ibig ay ginagawa, may aksyon, hindi lamang ito sinasabi. Kung gusto mo na maghari ang pag-ibig sa pamilya mo, maghasik ka ng pag-ibig sa tahanan. Matuto kang magpatawad sa kapwa mo. Huwag hayaan ang galit ang maghari sa buhay mo. Maghasik ka ng pag-ibig at pagpapatawad. 

Maghasik din tayo ng binhi ng pagbibigayan. Kung merong pagbibigayan sa ating komunidad, ito ang magbibigay lakas sa ating pamayanan. Sa panahon ng pandemya maramiu tayong mga kapatid na nawawalan ng trabaho, maraming pamilya na nagugutom dahil hirap ng kumita ng pangkabuha-yan. Alam ko, tayo rin ay naghihirap, pero hindi hadlang ang ating paghihirap para hindi maghasik ng binhi ng pagbibigayan at kabutihan. Maliit man ang ating maibigay pero ito ay malaking bagay para sa ating kapatid na nangangailangan.

At huwag din nating kalimutan na maghasik ng Salita ng Diyos. Sa panahon ng “social media” mada-ling maghasik ng salita. Anong paghahasik ang ginawa mo sa “social media?” 

Ito ba’y nagbibigay inspirasyon sa iba? Kung ang Salita ng Diyos ang ating ihahasik, sigurado ako ito ay magbibigay buhay at sigla sa kapwa natin. Gamitin mo ang “social media” para maghasik ng mabuting balita ang Salita ng Diyos. 

Bilang OFWs tayo ay naghahasik ng ating pananampalataya sa bansang ating ginagalawan. Ang ating tapat na paglilingkod sa Diyos at pamilya, ang ating pagdalo ng Banal ng Misa at buhay na pagsamba sa Panginoon, ito ay nagbibigay inspirasyon sa iba. 

Hindi lamang tayo nandito sa ibang bansa para magtrabaho para sa ating pamilya, nandito din tayo dahil mag misyon, ang paghahasik ng ating panananampalataya upang makilala si Kristo; ang ating tagapag-
ligtas.

Ang pagsasabuhay ng ating panananampalataya ay ang paghahasik ng kaharian ng Diyos. 

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________