Diyos ay pag-ibig!

Diyos ay pag-ibig!

Na experience mo na ba ang magbahagi ng magandang balita o mag kwento tungkol sa ibang tao? Yung maganda pangyayari ha? Hindi chismis o paninirang puri. 

Sa Ebanghelyo ni Marcos,  tinatawag tayo ni Hesus na mag kwento at magpahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng tao. Katulad ng mga Apostol at tagasunod ni Hesus tayo din ay may misyon na maging saksi ng kagandahang loob ng Diyos. Ang magpahayag sa pamamagitan ng ating pananampalataya at Pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. 

Ang mga OFWs ay kinilala ng Simbahan sa papel ay misyon na ito. Bagamat malayo sa pamilya dahil sa trabaho sa ibang bansa, ang mga OFWs or Overseas Filipino Workers ang pagiging misyonero ay sadyang bahagi ng kanilang buhay. Taga pahayag, tagapagbigay mg Mabuting Balita mg Pagmamahal ng Diyos. 

Sa Pag Akyat ni Hesus sa Langit, maliwanag ang kanyang habilin sa ating lahat, “ang magmahalan tayo at maglingkod sa isat isa.” Ngayong panahon ng pandemya maaari tayong mag bahagi ng Mabuting Balita ng Pagasa sa mga maysakit. Pwede din tayong mag share ng blessings sa mga mahal sa buhay at taong may pangangailangan. 

Sa Pililinas halimbawa ay may mga Community Pantries na nagbabahagi mg pagkain sa mga mahihirap na na apektuhan mg pandemya. “Magbigay ayon sa kakayahan. Tumanggap ayon sa pangangailangan” ito ang naging slogan ng pagbabahagi. At ito ay mabuting gawain. Minsan nga hindi naman kailangan mag salita. Ang ating simpleng aksyon o pagkilos sa ating Mabuting gawain at sapat na. Di ba nga sabi ni Hesus na sinumang pinakain natin, pinainom, dinamitan at kinalinga na maysakit eh ginawa natin sa kanya. 

Ang magpahayag ng Mabuing Balita ay hindi pagsigaw lamang ng bawat talata o Salita ng Biblia. Ito ay pagsasabuhay ng Mabuting Balita. Pwedeng isang simpleng ngiti, tapik sa balikat o pagbabahagi ng tulong sa nangangailangan sa abot ng ating makakaya. 

Sa Pag akyat ni Hesus sa Langit, hindi naman nya tayo iniwan. Ang sabi nya ay kasama natin sya hanggang sa huli at madami tayong magagawa as Pangalan nya. Hindi tayo pababayaan ni Hesus. Kaya tara na humayo tayo at magpahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan. 

Manalig tayo at sumampalataya. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kasama natin sya sa lahat ng oras. God bless po.

Father Arnold Abelardo SVD

___________________________________________________________________________