Ginoo, ibig po naming makita si Hesus

Ginoo, ibig po naming makita si Hesus

Katulad ng mga Griego at madaming nagnanais na makita si Hesus. Ang iba ay dahil gustong gumaling sa karamdaman. Meron naman na dahil curious o gustong ma-
kita ang himala. Pero meron din na talagang gusto lang din syang subukan. Ang iba naman ay dahil sa naghahanap sila ng pananampalataya sa pakilala kay Hesus.

At sito sa Ebanghelyo ay niliwanag ni Hesus na sya ay Anak ng Diyos. At sya ay magdadaan sa hirap at pagsubok. Ibinahagi din ni Hesus na ang sinumang nagnanais na sumunod sa kanya ay kailangang magbigay ng kanyang sarili, ng kanyang buhay. At kung nasaan sya ay dapat anduon din ang kanyang tagasunod. 

Ito ang diwa ng Kwaresma, ang sakrispisyo at pagbibigay ni Hesus ng kanyang buhay para sa ating lahat. Para sa ating kagalingan at kaligtasan. Kasi nga mahal tayo ng Diyos. At hangad ng Diyos ang ating kaganapan sa buhay. Ay katulad ng butil ng binhi na kailangang itanim sa lupa upang lumaki at mamunga. 

Naway makilala natin si Jesus na ating tagapagligtas at tagapag hilom ng ating sugat at karamdaman. Makasunod nawa tayo sa kanya sa paglilingkod at pagmamahal sa ating kapwa.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________