Pagbabago para kay Kristo!

Pagbabago para kay Kristo!

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya” (Jn.3:16-17). Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, handa niyang i-sakripisyo ang kanyang bugtong ng Anak, na si
Hesus para sa ating kaligtasan. Dakila ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Pag-ibig na handang mag-alay ng buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan. 

Sa ating Ebanghelyo tayo ay tinuturuan kung ano ang tunay na pag-ibig. Bilang mga taga-sunod ni Kristo, ating tularan ang kanyang pag-ibig. Pag-ibig na hindi lamang nakasentro sa sariling kaligayahan kundi ang pagsunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Pag-ibig na hindi nakabatay sa emosyon kundi ang pagtatalaga sa sarili para sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Ito ang pag-ibig na maghahatid sa atin ng ating kabanalan at kaligtasan. Kung ganito sana ang pag-ibig natin walang kaguluhan, kundi kapayapaan at kaayusan ang maghari sa buhay at pamayanan natin. 

Maraming mga relasyon, pamilya nasisira dahil hindi tayo lumago sa ating pag-ibig. Tayo’y nananatili sa pag-ibig na nakabasi sa emosyon, pag-ibig na nakasentro sa sarili, makamundo at makasariling pag-ibig. Bilang mga tagasunod ni Kristo nawa’y lumago tayo sa ating pag-ibig. Pag-ibig na handang magsakripisyo para sundin ang
kaloobang ng Panginoon at paglingkuran ang kapwa. Tulad ni Abraham, na ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay
handang magsakripisyo, mag-alay ng kanyang bugtong na anak. 

Masakit kay Abraham na ialay ang kanyang anak, pero mas mahal ni Abraham ang Panginoon na handa siyang
magsakripisyo para sa Diyos. 

Ito ang pag-ibig na gusto ng Diyos para sa atin. Pag-ibig na handang mag-alay ng buhay para sa Diyos. Kung ganito sana ang pag-ibig ng mag-asawa, wala sanang pamilya na magkawatakwatak at masisira. Walang taong magugutom at maiiwan, dahil ang pag-ibig ay handang tumulong sa mga
nangangailangan. 

Pag-ibig na handang limutin ang sarili para sa ikabubuti ng kapwa at lipunan. Hindi ang sarili iniibig kundi ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod ng kanyang banal na kautusan at paglilingkod sa kapwa. Ito ang pag-ibig na may sakripisyo at kung ganito ang ating pag-ibig magkakaroon ng pagbabago ang ating lipunan. Hindi mababago ang ating lipunan na ating ginagalawan kung hindi natin sundin at isabuhay ang pag-ibig ng Diyos. 

Ang pagbabago ng sarili at ng ating lipunan ay nakasalalay sa ating pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Kung ang sarili lang ang ating iniibig hindi natin mababago ang ating lipunan dahil, ang makamundo at makasariling pag-ibig ay nagwawasak ng pamilya at pamahalaan. 

Ito ang hamon natin bilang tumanggap ng binyag, na tuluran natin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagsakripisyo para sa Diyos at sa kapwa.

Ang pag-ibig na nagsakripisyo ay maghahatid sa atin ng ating kaligtasan!

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________