
Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw.” (Jn. 1:6-8).
Si Hesus ang ilaw na tinutukoy ni Juan. Si Hesus ang nagbibigay liwanag sa sanlibutan at sa ating buhay. Ang pagsunod natin kay Hesus at pagsasabuhay sa kanyang turo ay nagbibigay ilaw o liwanag sa ating paglalakbay sa mundong ito. Mahalaga ang ilaw sa ating paglalakbay.
May mga panahon na parang madilim ang ating paglalakbay sa buhay dahil sa ating mag suliranin, mga problema, at tulad ng pandemya sa kasalukuyan na parang dumaan tayo sa madilim na yugto ng ating buhay. Lahat ng mga balita araw-araw ay parang nakakapanghina ng loob. Ang iba ay nawawalan ng pag-asa na may liwanag pang darating.

Mattia Preti, Public domain, via Wikimedia Commons
Bilang mga tagasunod ni Kristo hindi tayo mawalan ng pag-asa dahil may liwanag ang ating buhay sa kabila ng pandemya, mga problema, kung si Kristo ang naging sentro sa ating pamumuhay.
Si Kristo ang ating liwanag, si Kristo ang nagbibigay buhay sa sanlibutan. Kung pakiramdam mo ay madilim ang buhay mo lumapit at kumapit ka kay Kristo. S’ya ang ating liwanag. Ito ang pangako ni Kristo. Si Juan mismo ay nagpatotoo na si Hesus ang ating liwanag.
Ang ating pananampalataya ang nagbibigay liwanag sa ating paglalakbay. Sabi sa 2 Corinto 5:7, “Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos, hindi sa mga bagay na nakikita.”
Si San Pablo ay nagpapatotoo na ang ating pananampalataya ay liwanag sa ating paglalakbay. Ang ating pananampalataya ay nagbibigay liwanag sa ating buhay. Sa panahon ng Adbeyinto nawa’y maging instrumento tayo sa pagbibigay liwanag sa ating kapwa. Marami sa ating mga kababayan na parang nawalan ng pag-asa dahil sa mga pagsubok sa buhay.
Tayo, bilang alagad ng Liwanag, si Kristo, ay may katungkulan na magbigay sigla sa ating kapwa. Ang ilaw sa Pasko ay hindi lamang palamuti o isang “decoration”, dapat tayo ay maging buhay na ilaw o liwanag na nagbibigay pag-asa sa ating kapwa.
Tulad ni Juan Bautista, magpatotoo din tayo sa ating pananampalataya na nagbibigay sigla at liwanag sa mga kababayan natin na nasa kadiliman. Ang Pasko ay ang pagdiwang ng liwanag. Si Kristo ang ating liwanag, ating ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa ating pananampalataya at pagbibigay liwanag sa ating mga kapatid na ang buhay ay napuno ng kadiliman.
Ikaw Kristiyano ay magpatotoo ka sa iyong panananmpalataya. Dahal ang ating pananampalataya na biyaya ng Diyos ay liwanag sa ating buhay.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
• Father Jay Flandez SVD