Ang kay Cesar ay kay Cesar ang sa Diyos ay sa Diyos

Ang kay Cesar ay kay Cesar ang sa Diyos ay sa Diyos

Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.” May mga natutuwa kay Hesus dahil sa kanyang mabubuting gawa. At meron din namang naiinggit sa kanyang mga gawain. 

At dito sa Ebanghelyo ay nilinaw ni Hesus ang ating responsibilidad bilang mga anak ng Diyos at bilang mamamayan. Ang kay Cesar ay kay Cesar, at ang para sa Diyos eh ilaan sa kanya. 

Sa isang banda mahalaga na makita natin ang relasyon at tungkulin natin sa Diyos at sa ating kapwa. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa bayan at kapwa. 

Hindi natin pwedeng ihiwalay ang dalawa. Ang magmahal at maglingkod sa Diyos ay magmahal din sa kapwa. 

At sa dalawang responsibilidad na ito, mahalaga na tayo ay bukas at malaya. 

Sa panahon natin ngayon meron tayong obligasyon sa gobyerno sa pagbayad ng buwis, pagbayad sa health care, pagbayad sa utang. At sana huwag nating kalilimutan ang bahagi at responsibilidad natin sa Diyos bilang mga anak nya. 

Minsan sinabi ni Hesus, “Mahalin ang Diyos ng buong puso, isip, lakas at kaluluwa. At mahalin ang ating kapwa gaya ng ating sarili”. Sa gitna ng pandemya, lumapit tayo sa Diyos at magpasalamat sa kanya sa lahat ng biyaya nya sa atin. 

At lumapit din tayo sa ating kapwa, lalo na ang mga dukha at nangangailangan. Ipagdasal natin ang isat isa, lalo na ang kagalingan ng mga maysakit sa COVID-19 at iba pang karamdaman. 

Pagpalain tayo ng Diyos at ingatan nya at ilayo sa anumang panganib at karamdaman.

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________