Happy Fiesta ni St. Francis of Assisi

Happy Fiesta ni St. Francis of Assisi

Mabuti ang Diyos sa ating lahat. Binigyan nya tayo ng kapasidad at kakayanang mabuhay at maglingkod sa kanya. Katulad ng nagtanim ng ubas, ang Diyos ay nagtanim ng mabuti sa ating daigdig, kapa-yapaan, pagmamahal, pagpapatawad at paglilingkod. At hangad nya ang mabuting ani. Ang magandang tanong sa ating pagninilay ay paano ba natin inaalagaan at pinag-
yayaman ang ubasan, ang ating pamilya at kapwa? 

Paano ba tayo nagbabahagi? Tayo ba ay sakim o marahas na katiwala? O tayo ba ay may mababang loob at tapat na naglilingkod. 

Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kabutihan at pagpapala sa atin. Naway maging mabuting katiwala tayo sa kanyang ubasan. 

Maging mabuti at mapagbigay. At sa panahon ng pandemya, manatili tayo sa pagtitiwala sa Diyos. Magdasal tayo at kumapit sa kanya. At sana huwag nating kalilimutan ang tumulong sa ating kapwa na nangangailangan. Pagpalain tayo ng Diyos at ingatan nya. 

Happy Fiesta ni St. Francis of Assisi.

Father Arnold Abelardo SVD

___________________________________________________________________________