
Sa ating pakikinig marami tayong matututunan. Sa pananahimik marami tayong mararamdaman. Ang Salita ng Diyos na ipinahahayag sa Misa ay binhi at Salita ng Buhay. Ang Mabuting Balita, ang Salita ng Diyos.
Si Hesus ang Salita mismo. Si Hesus ang maghahasik. Sya mismo ang binhi na nagkatawang Tao at nakipamuhay sa atin. Ikaw, ano na ba ang narinig mo kay Hesus. At ano ang tumanim sa iyong puso at isip. Sabisa Ebanghelyo, si Hesus daw ang Mabuting Pastol, prinsipe ng kapayapaan, tagapag pagaling ng maysakit. Si Hesus ang ating tagapag ligtas.
Paano mo nakilala si Hesus? Saan mo nadinig o sino ang nagsabi sayo? Inaaya tayo ng Ebanghelyo na makinig at sumampalataya. Nawa’y ang binhi ng pag-ibig ng Diyos ay tumubo at yumabong at mamunga sa ating buhay.
Bilang mananampalataya, tangga-pin natin ang Salita ni Hesus sa ating buhay. At naway maging bahagi sya ng ating pagkilos at pagtugon. Sa panahon ng Pandemya, mahalaga na madinig natin ang mensahe ni Hesus. Tayo ay mahal na mahal ng Diyos at hindi nya tayo pababayaan. Hangad nya ang ating kabutihan at kagalingan.
Patuloy nawa tayong makinig sa kanyang utos. Ang mamunga ang ating buhay ng pagmamahal sa ating kapwa lalo na sa mga dukha at walang inaasahan kundi ang Diyos. Pagpalain nawa tayo ng Diyos at ingatan nya kasama ng ating mga mahal sa buhay.
● Father Arnold Abelardo CMF