
Ngunit and binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay, may tig-sasandaan, may tig-aanimpu, at may tig-tatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig” (Mt. 13:8-9).
Ang binhi ay sumasagisag sa salita ng Diyos at ang iba’t-ibang uri ng lupa ang sumasagisag ng mga tao. May mga taong nakinig sa salita ng Diyos at pagkatos ay kinalimutan na ito at hindi na maisabuhay. “May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan.
Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon” (Mt. 13:3-4). Mga taong pagkatapos sa pagdalo ng Banal na Misa o gawain hindi na maisasabuhay ang kanilang napa-
kinggan. Dahil ang kanilang puso’t at isip ay hindi naka-sentro sa Panginoon.
May mga tao namang nakikinig sa salita ng Diyos ay dahil sa kanilang problema at pagsubok sa buhay ay hindi lumago ang Banal na Salita sa kanilang buhay. “May mga binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa ma-
tinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat” (Mt. 13:5-6).
Ito yung mga taong walang matibay ng relasyon sa Diyos. Pag may kunting pagsubok sa buhay, umayaw na sa pagsunod sa Kanya.
Paano ba natin tanggapin ang Banal na Salita? At paano ba ito magagamit sa buhay natin? Mahalaga ba ang salita ng Diyos?
Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan at ito ang paraan para bumuti ang buhay natin. Kung atin lamang isapuso at isabuhay ang mga ito, ito ang magbibigay sa atin ng kaunlanran ang kapayapaan.
Karamihan sa atin ay hanggang pakinig lamang at walang pagsasabuhay. Ang iba ay nasisiyahan at natutuwa sa pakikinig sa salita ng Diyos. Maganda yan, pero ang salita ng Diyos ay hindi maging buhay kung hindi natin isabuhay ito. Hindi lalago ang ating pananampalataya kung hindi natin isapuso’t at isabuhay ang salita ng Diyos.
Sa mabuting lupa lumago ang binhi. Ibig sabihin kung ang puso natin ay handang magsakripisyo para sa kaharian ng Diyos maging sagana at maging matagumpay ang buhay natin. Ito ang pangako ng Diyos, ang sinumang nagsasabuhay sa kanyang Banal na Salita ay may gantimpala. “Ngunit and binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tig-tatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig.”
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Pakinggan natin at isabuhay nating ang Banal na Salita!
● Father Jay Flandez SVD