
Ang Diyos ay Katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Lahat ay bukas sa mata ng Diyos. Alam nya ang ating galaw at pinagdadaanan sa buhay. Tayo ay tinatawag nyang maging totoo sa ating pamumuhay. Tayo ay tinatawag nyang maging tapat sa kanya at sa ating kapwa.
Sa ating kababaang loob makikita natin ang kagandahan at kabutihan sa atin. Hindi tayo makapagtatago sa kanya. Walang lihim ang matatago sa kanya. Maging sa ating relasyon sa ating pamilya o kaibigan, maha-
laga ang kapatapatan at pagiging bukas. Huwag nating itago ang damdamin. Huwag tayong mandaraya o magsinungaling. Sa huli, sabi nga ni Hesus, lahat ay mabubunyag at mahahayag. Ang katapatan at katotohanan ang magpapalaya sa atin. Ang katotohanan ang magpapahilom sa atin. Kapit lang sa Diyos at ilahad at ibahagi share sa kanya ang lahat. Nakikinig siya sa atin at handa siya laging tumugon sa ating panganga- ilangan. Pagpalain tayo at palayain ng Diyos ng katotohanan.
• Father Arnold Abelardo CMF