Pasyong mahal

Pasyong mahal

Tayong mga Kristiano ay may ibat-ibang pamamaraan upang sariwain ang pagpapakasakit ng ating Panginoon. Mayroong nagbabasa ng pasyon, nag pepenitensiya, at Istasyon ng Krus. Ang iba ay nagpapapako pa sa krus upang madama ang hirap na dinanas ni Kristo.

Sa pamamagitan naman ng iba’t-ibang liturhiya ay isinasabuhay ng Simbahan ang mga huling yugto sa buhay ni Kristo. Ito ay isang linggong pagtuon sa pasyon ng ating mahal na si Hesus na magsisimula sa Linggo ng Palaspas, susundan ng Misa ng Huling Hapunan at Pagsamba sa Krus.

Sa paanong paraan makakatulong ang mga yugtong ito upang lubos nating maunawaan at mapahalaga-

han ang paghihirap na ito ng ating Panginoon?

Una, ang Linggo ng Palaspas. Matagumpay na nakapasok ang ating Panginoon sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Sa kanyang pagpasok

ay sinalubong siya ng maraming tao na taglay ang mga palaspas at naglalatag ng mga balabal bilang palatandaan na si Kristo ay mahalaga sa kanilang buhay.

Mababanaag ang pananabik lalo na sa mga taong ang tanging pag-asa sa buhay ay ang Diyos. Tayo, bilang mga mananam-

palataya ay nakikiisa rin sa pag- wagayway ng ating palaspas. Dahil dito ay ituring din natin si Kristo na hari at Diyos na pag-asa ng ating buhay.

Pangalawa ay ang Huling Hapunan. Si Hesus, kasama ang kanyang mga alagad ay nagdiwang ng huling hapunan. Dito niya itinatag ang sakramento ng Eukaristiya. Sa paghahati ng tinapay na katawan ni Hesus at pag-inom sa kopa na kanya namang dugo ay ipinakita ang pag-

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


liligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay isang bagong tipan para sa lahat.

Hiniling niya na gawin din ito ng mga apostol bilang paggunita.

Tayo ngayon ay nakikisalo rin sa hapag na ito. Sa pagdiriwang natin ng Misa ay nakikibahagi tayo sa katawan at dugo ng ating Panginoon.

Nawa ay maglaan tayo ng panahon upang makadalo ng Misa. At sikapin nating damhin si Kristo sa tuwing tatanggap tayo ng banal na komunyon.

Ang panghuli ay ang paggunita sa pagkamatay niya sa krus. Ang liturhiyang ito ay ginagawa tuwing Biyernes Santo. Pasan ang krus, tinahak ni Hesus ang Bundok ng Kalbaryo.

Bigat ng krus, hagupit, at pag alipusta ang kanyang tinamo. Pansamantalang naibsan ang kanyang hirap nang ang isang Simon Sireneo ay inatasang tumulong sa pagpasan ng krus. Nasalubong niya sa daan ang kanyang luhaang Ina at mga mahal sa buhay. At sa huli ay ipinako si Kristo sa krus, tinuhog ng sibat ang kanyng dibdib, at doo’y nalagutan ng hininga.

Ito ang sukdulan ng pagpapa-kasakit ng ating Panginoon. Bilang mga alagad, sundan natin ang Panginoon at magbata ng hirap. Bigyan nating pagpapahalaga ang pag-aalay na ito ng buhay sa pamamagitan ng matapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Maging matatag nawa tayo sa lahat ng hirap at pagsubok ng buhay.

Lubhang makabuluhan ang linggong ito para sa atin. Nawa ang pagsasabuhay ng huling yugto sa buhay ni Hesus ay maghatid sa atin upang buong galak na ipagdiwang ang kanyang pagkabuhay na mag-uli. Manalig tayo na ang pasyong mahal ni Hesus ay maghahatid sa atin sa langit ng ligaya’t buhay na tahanan ng tapat at banal.

Father Alfredo Rollon SVD

___________________________________________________________________________