Mabuting Balita

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

“Kung alam mo lang”, ito ang sinabi ni Hesus sa Samaritana. Magandang pahayag para sa atin lahat. Kung alam lang natin at maliwanag sa ating pananalig na si Hesus ang Tinapay ng Buhay, lagi tiyak tayong dadalo sa Misa. Kung alam lang natin na si Hesus ang ating pag-asa at kaligtasan, lagi tiyak tayong magdadasal at tatawag sa kanya. Kung alam lang natin na si Hesus ay mapagpatawad eh tiyak na mas magiging mahabagin at mapagpatawad tayo sa ating kapwa. At kung alam natin na si Hesus ay mapagtanggap lahit sa di nya kalahi o kakilala, e tiyak na tatanggapin natin ang mga dayuhan sa ating mga lugar.

Si Hesus ang bukal na tubig na papawi sa ating pagkauhaw di lamang sa tubig, kundi maging sa katarungan at kapayapaan. Si Hesus ang Tinapay ng Buhay na nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Ama. Ang kwento ng Samaritana eh kwento ng pakikipagkapwa at tamang pakikipag-ugnayan.

Lumapit si Hesus sa Babaeng Samaritana para makiinom at makipagkilala. Walang paghuhusga si Hesus, kundi pagtanggap at pagkilala. Samaritana ka man o Hudyo o Asiano, ikaw ay mahal at mahalaga sa Diyos. At sa kabila ng iyong kasalanan o pagkakamali, ipinadama ni Hesis sa Samaritana na ang Diyos ay mapagpatawad at mahabagin. Kaya nga sila ay nanalig kay Hesus. 

Naway sa panahon ng Kwaresma eh makilala natin si Hesus at malaman natin at madama ang kanyang pagmamahal. Anuman ang ating pinagdaraanan ngayon sa buhay, naway malaman natin lagi na andyan ang Diyos upang tayo ay iligtas. Anuman ang ating karamdaman, sanay malaman natin na andyan ang  Diyoa upang tayo’y pagalingin.

Manalig tayo at ibahagi sa iba na si Hesus, ang Mesiyas ay buhay at tayo ay kanyang minamahal.

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________