Binyag at Misyon!

Noong panahong iyon si Hesus ay dumating sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabinyag. Sinansala siya ni Juan na ang wika, “Ako po ang dapat binyagan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin! Ngunit tinugon siya ni Hesus, “Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagka’t ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” (Mt. 3:13-15).

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. At baka tayo ay magtatanong, Bakit kailangan pa ni Hesus ang binyag? Di ba Diyos siya at wala siyang kasalanan? Tama si Hesus ay Diyos. Ang tinanggap niyang binyag na galing kay Juan ay hindi dahil linisin siya sa kanyang kasalanan, dahil wala naman siyang kasalanan. Ang binyag na tinanggap ni Hesus ay para sa atin, upang ang tubig sa ilog Jordan ay magiging banal. At kung sino man ang tumanggap sa binyag ay mamuhay ng kabanalan. Pinabanal ni Hesus ang tubig, at sinumang tumanggap ng binyag ay nilinis ang kanyang buhay at siya ay magiging anak ng Diyos. 

Noong natanggap natin ang binyag, tayo ay binago ng Diyos. Ang binyag ay ang ating “spiritual birth” o spiritwal na pagsilang. Ibig sabihin tayo ay nagiging mga anak ng Diyos sa pagtanggap natin sa binyag. At bilang mga anak ng Diyos sikapin natin ng mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Nangako tayo sa binyag na talikuran ang kasalanan at sundan si Hesus ang ating kaligtasan. 

Ang Kapistahan ng Pagbibinyag ni Hesus, ay nagpaalaala sa atin na tayong mga binyagan ay may misyon na dapat gampanan. Hindi buo o maging kompleto ang ating binyag kung hindi tayo maki-
lahok sa misyon ni Hesus ang pagpapalaganap ng mabuting balita para ang kanyang kaharian ay maghari sa buhay natin. Tandaan natin na ang binyag na tinanggap natin ay hindi lamang upang magiging bahagi ka ng Simbahan, ang binyag ay may kaakibat na misyon. Misyon upang ipalaganap ang mabuting balita, upang ang kaharian ng Diyos ay maghari sa ating lipunan. 

Binyagan ka ba? Mag misyon ka! Paano? 

Una, magpakatotoo ka na ikaw ay anak ng Diyos. Huwag kang matakot ipakita o isabuhay ang iyong pananampalataya. Dapat ating ipagmalaki ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. 

Ikalawa, makilahok tayo sa mga gawain ng ating Simbahan. Bilang binyagan tayo ay bahagi ng Simbahan. At ang tunay na Simbahan ay nagmimisyon para sa kaligtasan ng sangkatauhan. 

Binyagan, at anak ng Diyos, nagmimisyon para sa kaharian! 

Father Jay Flandez SVD

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


___________________________________________________________________________