Kasama natin ang Diyos!

Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin itong Emmanuel”- ang kahuluga’y “kasama natin ang Diyos.” (Mt. 1:23).

Ang pagmamahal ng Diyos ay dakila. Tayo ay sinasamahan ng Diyos sa ating paglalakbay sa mundong ito, sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na anak na si Hesus. Si Hesus ang ating liwanag sa ating paglalakbay. 

Kung napansin natin sa panahon ng Pasko marami tayong nakikitang iba’t ibang ilaw o liwanag. Ang gandang pagmasdan ang liwanag, at tayo’y natutuwa sa naggagandahan mga ilaw. Ang mga ilaw na ito ay sinisimbolo si Kristo. Si Kristo ang ating tunay na ilaw at liwanag sa ating paglalakbay. Masarap mabuhay sa liwanag, masarap mabuhay kung kasama natin ang Diyos. Kung ang buhay mo ay nasa kadiliman lumapit ka kay Hesus para may liwanag ang buhay mo. 

Gaano man kalaki ang pagkukulang mo o kasalanan mo sa Kanya, magpakumbaba ka at patatawarin ka N’ya dahil mahal tayo ng Diyos at ito ang misyon ng Diyos na hanguin tayo sa kadiliman para dalhin sa kanyang kaharian. 

Ang Diyos na ating sinasamba ay Diyos ng pagmamahal. Tuwing Pasko masarap kasama ang ating pamilya, ang ating mga mahal sa buhay. Sabi sa isang awit: “Ang Pasko ay kay saya kung kayo’y kapilang na. Sana pagsapit ng Pasko, kayo’y naririto. Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa. Maligayang bati para sa inyo sa Araw ng Pasko.” Ang Pasko ay panahon ng pagkakaisa. Nawa’y isabuhay natin ang diwa ng Pasko, ang pagkakaisa at kapayapaan sa puso at sa buong sanlibutan. 

Ito ang hamon natin bilang mga Kristiyano; kung ang Diyos ay naging isa sa atin. Nawa’y sa ating pakikipagkapwa maranasan natin ang tunay na diwa sa Pasko. 

Marami tayo mga kababayan na hindi maganda ang kanilang karanasan sa kanilang pinagtratrabahuhan o kanilang mga amo. 

Huwag natin silang kalimutan sa ating mga panalangin o tulong. Ang diwa ng Pasko ay ang pakikipagka-isa sa mga naapi at mga dukha. Ang Diyos ay naging isa sa atin maliban lamang sa kasalanan. 

Mga kapatid, tandaan natin na kasama natin ang Diyos at ito ang tunay na kahulugan ng Pasko. Dapat lang na magdiwang tayo dahil kasama natin ang Diyos. 

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Ano ba ang tunay na pagdiriwang sa kaarawan ni Hesus. Ang tunay na pagdiriwang ng Pasko ay ang panalangin at pagninilay sa kanyang pagmamahal at pagliligtas sa atin. 

Ikaw paano mo ba ipinagdiriwang ang Pasko?

Ang Pasko ay hindi maging Pasko kung hindi mo binigyan ng panahon si Kristo.

Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________