Sa ating pagbasa sa Linggong ito ay nagpapahiwatig ng katapusan ng mundo. Mara-ming mga palatandaan ang sinasabi sa ating pagbasa; “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian.
Magkakaroon ng malalakas ng lindol, magkakagutom at magkaka-salot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakilakilabot na bagay at mga kagilagilalas na tanda buhat sa langit,” (Lc. 21:10-11).
Ngunit ang sabi ng Panginoon na hindi tayo matakot, hindi pa ang katapusan. Ito ay panimula lamang. Ibig, sabihin nito, binigyan tayo ng panahon para ihanda ang ating sarili sa pagdating ng ating Hukom.
Pag ang isang tao ay puno ng takot, madali s’yang maliligaw. Hindi niya alam ang katotohanan, at walang direksyon sa buhay. Marami sa ating mga kapananampalataya na puno ng takot. Pag sila’y naka-engkwentro ng ibang sekta, madali silang nawawala sa tunay na pananampalataya. Dahil tinatakot, at biglang nagbago ang paniniwala.
Tandaan natin ang sinabi ni Hesus; “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman.” (Lc. 21:8). Mag- ingat sa mga ibang paniniwala para hindi mawawala sa tunay na pananampalataya.
Ang Diyos natin ay pag-ibig, kung ang puso natin ang puno ng pag-ibig nandyan ang Diyos. Hindi kalooban ng Diyos na sumusunod tayo sa Kanya na puno ng takot.
Gusto ng Diyos na pagmamahal ang maghari sa puso natin para susunod tayo sa kanya na puno ng kagalakan at pag-asa. Ano man ang hirap, suliranin sa buhay natin hindi tayo susuko dahil mahal natin ang Diyos.
Kung mahal natin ang Diyos hindi tayo matatakot sa katapusan dahil ito ang ating dinadalangin, “Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit.” Ang katapusan ay magbubukas ng pagbabago. Matatapos ang mundong ito, para ang mundo ng Diyos, ang kaharian ng Diyos ay maghari.
Dapat masaya tayo sa pagdating ng kaharian ng Diyos. Huwag natin katatakutan ang katapusan. Di ba pagmalapit na ang Pasko, masaya tayo dahil darating na ang ating Diyos, na nagkatawang tao, na si Hesus. Mga kapatid, kaakibat natin bilang mga anak ng Diyos, na mag misyon tayo para ang kaharian ng Diyos ay maghari.
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Ang pag tulong o pagsusuporta sa misyon ng Simbahan ay ating tungkulin bilang mga binyagan. Nawa’y sa pamamagitan ng pagmimisyon maghari nawa ang Diyos sa ating pamayanan.
• Father Jay Flandez SVD