Ang kwento ni Zacchaeus ay kwento ng kagandahang loob ng Diyos sa isang kilalang makasalanan. Una, si Zacchaeus na naghahanap at nais makita si Hesus. At pangalawa, si Hesus na naghahanap din sa isang makasalanan. Sa Ebangelyo natin nakita na si Hesus mismo ang tumawag kay Zacchaeus. Nagpa- imbita si Hesus na tutuloy sya sa bahay ng isang Tax Collector.
At sa kanyang pag aya sa isang makasalanan wala syang kondisyon o kahilingan kundi ang makapasok sya sa bahay ng isang Tax Collector. Halika sabi ni Hesus at tutuloy ako sa bahay mo. Isang tapat at mapagmahal na pagyaya ni Hesus sa isang naghahanap ng Pagbabago.
Tayong lahat, tulad ni Zacchaeus eh hindi naman perpekto. Nagkakamali tayo at nagkakasala. Sa paglapit natin kay Hesus, sya pala mismo ang nag aaya sa atin na tanggapin sya sa ating buhay. Patuluyin natin si Hesus sa ating mga tahanan. Hayaan nating sya ang maghari sa ating buhay. Ialay natin ang lahat sa kanya. Katulad ni Zacchaeus, bumaba tayo mula sa taas ng ating pride, pagkakamali at sumunod tayo kay Hesus. Magsisi at magbagong buhay. At kung meron tayong nasaktan o nalamangan, humingi tayo ng tawad. Ibalik natin ang tama at dapat at umasa tayo sa habag mg Diyos. Sa gayon ay matagpuan natin ang kaligtasan na mula sa Diyos. Pagpalain po tayo ng Panginoon at bigyan tayo ng mababang kalooban at malasakit sa kapwa.
• Father Arnold Abelardo CMF