Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
Aleluya! Aleluya!
Si Hesus ay nabuhay muli. Wala na ang kanyang katawan sa kweba o libingan. Nagulat si Magdalena. Sino kaya ang kumuha ng bangkay? Tumakbo sila Pedro at kasamang alagad para siyasatin. Wala nga ang katawan ni Hesus. Wala na sya sa lugar ng mga patay. Dahil si Hesus ay nabuhay. Jesus is risen. Tapos na ang Byernes Santo. Ginanap na ni Hesus ang sakripisyo sa Krus. At siya ay nabuhay na muli. Purihin ang Diyos. Salamat sa Diyos. Ganap at buo ang pagmamahal ng Diyos dahil sa alay ng kanyang Bugtong na Anak.
Aleluya, Aleluya, Si Kristo ay nabuhay, Sya ang ating kaligtasan. Inako nya ang lahat para sa atin. Si Hesus ay Buhay at sya ay nananahan sa atin. Magalak tayo, magpuri at magpasalamat. Aleluya. Aleluya. Salamat sa Diyos. Salamat Poong Hesus sa iyong pagliligtas sa amin.
Father Arnold Abelardo CMF









