Kay Kristo, lahat ay buhay!

Kay Kristo, lahat ay buhay!

Sinabi naman ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman.” (Jn. 11: 25-26).

Sila Marta at Maria ay nawalan ng mahal sa buhay. Ang kanilang kapatid na si Lazaro, ay namatay. Hindi madali kung isa sa ating mahal sa buhay ay pumanaw. Parang may kulang sa buhay natin. Parang hindi matanggap ni Marta ang pagkawala ng kanyang kapatid, dahil parang sinisisi pa niya si Hesus; “ Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid.” (Jn. 11:21). Pero binigyan ni Hesus ng katiyakan si Marta na mabubuhay ang kanyang kapatid. 

Ang buhay na kanyang ibibigay ay ang buhay na walang hanggan. Ating makamtan ang buhay na walang hanggan kung ating tanggapin si Hesus na ating tagapaglitas. Maniwala tayo na sa anumang mga pagsubok sa buhay natin, ito ay hindi katapusan, ito ay pagsubok lamang. Huwag kang susuko at patuloy lang sa iyong laban. 

Nawala man si Lazaro sa piling nina Marta at Maria, pero buhay ang kanilang pananampalataya kay Hesus; sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya’y mabubuhay muli sa huling araw, sa muling pagkabuhay.” (Jn. 11:24). Nagtitiwala si Marta sa muling pagkabuhay. 

Sa ating pagpapatuloy na paghahanda sa apatnapung araw para sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesus, nawa’y ito’y magpapalalim sa ating pananampalataya upang mapuno tayo ng pag-asa at buhay. Ang ating mundo ay napuno ng problema, kawalan ng kapayapaan dahil sa mga digmaan. Patuloy tayo’y humingi ng gabay sa ating Panginoon, na hindi tayo mawalan ng pag-asa, bagkus, tayo ay maging daluyan ng pag-asa para sa ating kapwa. 

Ang ating Diyosesis ay magdiriwang ng ika 80 na taon, sa taong ito sa pagkakatatag bilang isang Diyosis. At ang tema sa ating pagdiriwang  ay “Messengers Hope.” Tayo, Migrante, ay kasapi ng ating simbahan dito sa Hongkong, nawa’y makilahok tayo sa gawain ng ating simbahan upang maging instrumento tayo bilang tagapaghatid ng pag-asa sa ating kapwa.

Ang magkapatid na Marta at Maria ay nalungkot sa pagkawala ng kanilang kapatid, at si Hesus ang nagbibigay ng buhay at pag-asa sa kanila. Sabi ni Hesus; “Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.”

Tayong mga Migrante ay tinawag din bilang “Messengers of Hope”.

Si Hesus ang ating buhay!a imulat ang ating mga mata sa katotohanan. Bigyan ng Liwanag ang ating paningin at makita natin ang kanyang pagmamahal. Ang mamulat din ang ating mga mata sa paangangailangan ng mga dukha. Ang mabukas ang ating mga puso at makita natin ang mga mahihirap na kailangan ang ating Habag at Malasakit.

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________