Sagot tayo ni Lord 

Sagot tayo ni Lord 

Sa Ebanghelyo ni Juan maliwanag ang pahayag ni Hesus na sagot nya tayo “huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin”. Pagpapakita ni Hesus na hindi nya tayo pababayaan. Pagsisiguro ni Hesus na iingatan nya tayo hanggang sa huli. 

Pero sa parte natin mahalaga na makinig tayo sa paanyaya ni Hesus na tayo ay manalig “ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.” 

Mahalaga na tayo ay sumamba at mag tiwala kay Hesus. Kalooban ni Hesus na sundin ang hangarin ng Ama. Ang maligtas tayong lahat. Hangad ni Hesus ang kabutihan ng lahat. 

Ngayon Araw ng mga Kaluluwa, ang Boses ni Hesus ay maliwanag na hangad nya na maligtas at “magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ipanalangin natin ang ating mahal  na pumanaw. 

“Ang walang hanggang kapahingahan ay igawad Mo sa kanila, O Panginoon, at ang maningning na liwanag ay sumilay nawa sa kanila. Nawa’y magpahinga sila sa kapayapaan.”

Father Arnold Abelardo CMF

___________________________________________________________________________