
Tayong mga Filipino ay kilalang malinis sa katawan. At dahil tayo ay sanay kumain ng naka kamay, ang paghuhugas ng kamay ay bahagi ng ritual sa kainan.
Laging may palanggana o tabo sa tabi para hugasan ng kamay bago kumain. Naku magagalit ang Lola natin pag hindi naghugas ng kamay.
Pero higit sa malinis na kamay mae mahalaga sa atin ang
magandang ugali at sharing sa kainan sa mesa. Mas mahalaga sa atin ang pinagsamahan at salo salo kesa hugasan. Yung maruming kamay mapapatawad natin, pero ang masamang ugali at
pagka makasarili hirap tayong tanggapin yan.
Yan ang sinasabi ni Hesus
sa anga Pariseo at Eskriba.
Mapagpaimbabaw sila dahil mas pinahahakagahan nila ang
panlabas at hindi ang kalooban.
Para kay Hesus mas mahalaga ang malinis na puso at
kalooban kesa malinis nga na kamay eh masama naman ang ugali. Kaya huwag tayong maghusga ng kapwa sa panlabas nilang kilos.
Ang nasa kalooban ang mas mahalaga. Kung mabuti ang puso, Mabuti ang ugali. Kung marumi ang puso, masama ang kalooban. Hayaan natin manahanan si Hesus sa ating puso.
Father Arnold Abelardo CMF