
Nakakita ka na ba ng himala? Nag hangad ka ba ng ng himala sa buhay? Anyare? Sa Pilipinas pag may bagyo o disaster nasanay na ang mga tao sa relief goods. Sa mahihirap naman me programa ang gobyerno na 4Ps or Pantawid Pamilya. Nuon pa mang panahon ni Hesus ay laganap na ang karukhaan. Madaming tao ang naghahanap ng himala o lunas sa karamdaman o kagutuman.
Sa Ebanghelyo ipinakita ni Hesus sa mga tao ang himala ng Ama. Ang tagapagbigay ng kakanin sa araw araw. Mula sa “limang tinapay na sebada at dalawang isda” eh libong katao ang nakakain at me sobra pa. Mula sa bata na handang ibahagi ang kanyang pagkain sa mga wala.
Ipinakita ni Hesus na walang imposible sa Diyos. Gumawa ang Diyos ng himala sa pamanagitan ng kagandahang loob ng bata na ihain ang baon nya para sa lahat. Katulad ng bata tayo ay tinatawag na ihain ang ating “limang tinapay na sebada at dalawang isda”. At sa huli ay bahala na ang Diyos. Kailangan lang nating mag tiwala. God always provide. Laging naghahain at nagbibigay ang Diyos. Anumang meron tayo at handa natin ialay sa Diyos at sa kapwa, ito ay lalago at magbubu nga ng maganda at mabuti. Tiwala lang at hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Father Arnold Abelardo CMF