Sa ngalan ng Pag-ibig kay Kristo!

Sa ngalan ng Pag-ibig kay Kristo!

Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking -mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo. (Jn. 14:15-17).

Ang pagtupad sa mga utos at mga turo ni Hesus ay pagpapahayag na atin S’yang iniibig. Ang pag-ibig ay pagsasabuhay sa mga turo ng ating iniibig, na si Hesus. Ang mga turo ni Hesus ay para sa kabutihan ng ating sarili at sa kapwa. Tulad ng pagpapatawad sa nagkakasala sa atin, pagmamahal sa ating mga kaaway, pagbibigay at paglilingkod sa mga nangangailangan. Ilan laman ito sa mga turo ni Hesus. Mahirap sundin pero kung atin itong tutuparin sa kabila na nahihirapan tayo, ito ay pagpapakita na mahal natin si Hesus. Kung mas mahal mo ang sarili mo kay Kristo, sa palagay ko hindi mo matupad ang turo ni Hesus. Dapat ang ating pagmamahal kay Kristo ay may tapang; handang limutin ang sarili upang masundan ang turo ni Hesus.

Ipinakita ni Hesus ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan sa krus. Matapang na hinarap ni Hesus ang lahat ng mga pag-uusig dahil mahal ni Hesus ang kanyang Ama. Nawa’y tayo rin humingi ng tapang sa tulong at gabay na isang Patnubay.

Hindi madali ang pagsunod sa mga turo ni Hesus. Pero sabi ni Hesus bigyan daw tayo ng isang Patnubay para gabayan tayo sa ating pamumuhay. “Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.” Sino ba itong Patnubay? 

Ito ang Banal na Espiritu Santo. Siya ang magbibigay ng lakas sa atin upang ating tuparin ang mga utos at turo ni Hesus. Ang Espiritu ang magbibigay sa atin ng liwanag na buksan ang ating isipan at puso upang mapalalim natin ang ating pamumuhay Kristiyano. Ang Espiritu ang mag-gabay sa ating pamumuhay habang tayo ay naglalakbay tungo sa pangako ng Diyos ang buhay na walang hanggan. 

Ang Espiritu Santo ay nakilala natin, dahil sa pagtanggap ng Sakramento ng Binyag, ang Banal na Espiritu Santo ay nananahan sa atin. Ito ang pangako ni Hesus na hindi N’ya tayo pababayaan, S’ya ay patuloy sa paggabay sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 

Ang pag-ibig ng Diyos ay walang katapusan. Sa kanyang pag-akyat sa langit, tuloy pa rin ang kanyang presensya sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tandaan natin ang Diyos ay pag-ibig, at ang pag-ibig ay nananahan sa atin. Ang pag-ibig ay gumagabay sa atin upang ating tuparin at isabuhay ang mga utos ni Hesus. 

Kung tunay natin mahal si Hesus, ipakita natin sa pamamagitan ng pagtupad at pagsasabuhay ng kanyang mga turo. 

 

Advertisements

As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:

https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033


Father Jay Flandez SVD

___________________________________________________________________________