
Ang buhay natin ay hindi lamang para sa atin. Ang buhay natin ay para sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Sabi sa isang awit na tayo ay may pananagutan sa isa’t isa.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya”
Sa ating Ebanghelyo, bakit ang mayaman ay napunta sa impierno? Hinda naman n’ya sinaktan si Lazaro. Ano ba ang kasalanan n’ya? Ang kanyang kasalanan ay ang hindi pagtulong sa mga nangangailangan. Wala s’yang paki-alam sa mga mahihirap, naging manhid sa pangangailangan ng kapwa. Siya’y pinagpala ng kayamanan pero hindi n’ya ito ginamit para tumulong sa kapwa. Iniisip lamang n’ya ang kanyang sarili. Nagpakasasa s’ya sa kanyang ka-
yamanan at nakalimutan n’ya na meron s’yang kapitbahay na nangangailangan.
Ang mga biyaya na ating natanggap ay hindi lamang para sa atin. Tayo ay ginamit lamang ng Diyos para ipaabot ito sa mga nangangailangan.
Instrumento lamang tayo ng Diyos, at sa pamamagitan ng ating kabutihan at kabaitan, nawa’y makilala nila ang Diyos. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa, at pagtulong sa kapwa binigyan buhay natin ang ating pananampalataya.
Ang ating pagtulong sa kapwa ay may gantimpala. Ang makasariling mayaman ay napunta sa impierno, habang si Lazaro ay kapiling ni Abraham. “Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro.” [Lc. 16: 22-24].
As we celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. The Chaplaincy to Filipino Migrants organises an on-line talk every Tuesday at 9.00pm. You can join us at:
https://www.Facebook.com/CFM-Gifted-to-give-101039001847033
Ipinakita ang katotohanan ng langit at impierno. Nakakatakot! Alam ko ayaw n’yong pumunta sa napuntahan ng mayaman.
Ano ang gagawin natin para makasama si Lazaro? Gamitin ang kayamanan, gamitin ang talino para sa pagtulong sa kapwa upang makapiling si Abraham.
Ang buhay natin ay maging makahulugan kung handa tayong magsakripisyo para sa ating kapwa. Ang tunay na Kristiyano ay handang dumamay sa mga nangangailangan. Dahil ang pananampalataya natin ay dapat magbibigay buhay sa pamamagitan ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa!
Father Jay Flandez SVD